Balaraw
3
views
Lyrics
Bakit ganito ang ating tampuhan? Hindi man lang napag-uusapan Wala namang problema 'pag nagtatanong Ano ang dahilan kung ba't nagkagano'n? Tikom ang bibig, tila walang marinig sa aking rason Dahil tayo ay mga bata pa Marami pang magagawa Kinabukasan natin ang nakasalalay Oh, 'di ka ba nangangamba? Kung darating ang araw para sa 'tin Handa nang ipaglaban ka, oh giliw Hindi ko hahayaan na ika'y muling masaktan Ako ang iyong gabay patungo sa tahanan ♪ Maraming pangako maaaring mapako Walang sigurado sa mundo 'Wag mo lang pababayaan ang iyong sarili Libre ang mangarap, magsumikap, kung tamad ay 'di posible Lahat ng 'to ay para sa 'ting dal'wa (para sa 'ting dal'wa) Samahan mo ko't tayo'y magsimula 'Wag kalimutan ang magdasal, "aalamat," sabihin sa Maykapal Nakatingin sa tala at ako'y naniniwalang Hindi mawawalan ng bisa ang pag-ibig Kung mayro'ng tiwala sa isa't isa, ako'y nandito lang Kung darating ang araw para sa 'tin (ooh, yeah, yeah, yeah) Handa nang ipaglaban ka, oh giliw Hindi ko hahayaan na ika'y muling masaktan Ako ang iyong gabay patungo sa tahanan ♪ Whoa, whoa Whoa, whoa Imulat ang mga mata at iyong makikita Ang mga posibleng mangyayari
Audio Features
Song Details
- Duration
- 04:16
- Key
- 1
- Tempo
- 120 BPM