Sige Lang x Pagsisiga sa Tabing Dagat Mash-up

3 views

Lyrics

Kung ako sa 'yo tumayo ka na diyan
 Huwag ka nang magpahuli, kami ay sundan
 Patungo sa liwanag, abutin ang tala
 Pagkatapos pakita sa mundo pusong nagbabaga
 Upang lahat ay mamulat sa aking susulat
 Parinig sa lahat ang aking ulat
 Huwag mabahala, ako ang bahala
 Kasangga natin si Bathala
 Ikaw na umibig sa kanya, umibig ka pa
 Ibigin mo siya sa kabila ng kanyang mga pagkukulang
 Ibigin mo siya para sa kanyang mga pagkukulang
 Basta't umibig ka pa
 Ito ang iyong pagkakataon, ang hinihintay na sandali
 Maging mas malaki, maging buo, maging parola sa dilim
 Naghihintay ng darating sa 'yong dalampasigan
 Maraming naliligaw sa karimlan ng karagatan
 Maging pantalan, buksan mo ang iyong mga kamay
 Para sa pagragasa ng mga alon
 Sanayin ang iyong dibdib sa pagtanggap
 Sa kanilang mga inaanod, hindi lang sa kanya, umibig ka
 Ibigin mo siyang mukhang 'di maalala
 Sa araw-araw na pagsakay ng tren
 Silang ibang wika lang ang kayang bigkasin
 Silang duguan, silang markadong makasalanan
 Ibigin mo ang batang nag-aalok sa 'yo gabi-gabi ng bulaklak
 'Yan ang halimuyak ng isang kuwentong nagpupursige
 Sa labas ng 'yong mundo, ibigin mo ang kanilang mundo
 Ilabas ang 'yong pangarap
 Huwag mo 'yang itatago
 Samahan mo ng sipag at tatag ng puso
 Tumayo ka sa 'yong silya
 Ikaw ngayon ang bida
 Wala nang pipigil pa, 'eto na, 'eto na
 Ibigin mo 'tong mundo sa kabila ng taglay nitong dilim
 Hayaan mo ang sariling magningning
 Tandaan, ikaw ay anak ng araw at mga bituin
 Kaya mong kuminang, isinilang ka man sa gitna ng gabi
 Kaya sindihan ang iyong ilaw
 'Wag mo itong ikahiya, ngayon higit sa kailanman
 Kailangan ng mundo ang iyong apoy
 'Yang alab na walang tinutupok na lungsod o kagubatan
 Walang inaabong bahay dasalan o sayawan
 Walang inaabong silid-aralan
 Walang pinapatay ang pag-ibig
 Kun'di ang dilim
 Kun'di ang dilim
 Hanggang ako'y humihinga
 Sugod lang, laban pa
 Pangarap abutin
 Kumislap tulad ng mga bituin
 Sige lang, 'di ka nag-iisa
 Sige lang, sige pa
 Kaya heto, ito ang iyong imbitasyon upang magliyab
 Heto ang balitang ituring mong panggatong
 Heto kaming mga kaibigang liligid sa 'yong siga
 Nakaupo sa buhangin, nakabantay sa dalampasigan
 Makikinig sa kuwento at pipilitin
 Na piliin ang pag-ibig sa simula hanggang huli
 Mahaba pa ang gabi
 Pero maningning pa rin ang ating apoy sa tabing dagat
 At sinong umiibig ang hindi handang magpuyat?
 Sinong umiibig ang hindi handang magpuyat?
 Walang imposible, sige lang, sige
 Abot mo ang mundo
 Malapit, malayo, sama-sama tayo
 Hanggang sa dulo
 Ano man ang pagsubok
 'Di susuko, alam kong kaya mo
 Sige lang, sige, sige lang, sige
 Walang imposible (whoa-oh-oh, whoa-oh-oh)
 Walang imposible (whoa-oh-oh, whoa-oh-oh)
 Walang Imposible (whoa-oh-oh, whoa-oh-oh)
 Sige lang, sige, sige lang, sige
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:17
Key
11
Tempo
92 BPM

Share

More Songs by Quest'

Similar Songs