Napakasakit Kuya Eddie

2 views

Lyrics

Ako'y naririto, nagbabanat ng buto
 Sa mainit na siyudad sa bansa ng Arabyano
 Anong hirap talaga ang kumita ng pera
 Kakapal ang 'yong kamay, masusunog pa ang kulay
 Sa aking pagtulog, ang laging iniisip
 Bumilis na ang araw upang ako'y makabalik
 Itinigil ang bisyo, alak, sugal, sigarilyo
 Upang makaipon, magtitiis na lang ako
 Napakasakit, Kuya Eddie
 Ang sinapit ng aking buhay
 Napakasakit, Kuya Eddie
 Sabihin mo kung ano ang gagawin
 At ako ay natuwa, sumulat ang aking anak
 Ako ay nabigla at agad ay lumuha
 "Itay, umuwi ka, dalian mo lang sana
 Si Inay ay may iba, nagtataksil sa 'yo, Ama"
 Napakasakit, Kuya Eddie
 Ang sinapit ng aking buhay
 Napakasakit, Kuya Eddie
 Sabihin mo kung ano ang gagawin
 At ako ay umuwi, gabi na nang dumating
 Ang dal'wa kong anak, sa malayo nakatingin
 Mata'y namumula, halos nakapikit na
 Ang kanilang kamay, may hawak na marijuana
 Ngunit ang masakit, ako'y nagtataka
 Dalawa naming anak, bakit ngayon ay tatlo na?
 Mahal kong asawa, may kasama na siyang iba
 Anong lupit naman, dala pa ang aking pera
 Napakasakit, Kuya Eddie
 Ang sinapit ng aking buhay
 Napakasakit, Kuya Eddie
 Sabihin mo kung ano ang gagawin
 Napakasakit, Kuya Eddie
 Ang sinapit ng aking buhay
 Napakasakit, Kuya Eddie
 Sabihin mo kung ano ang gagawin
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:47
Key
11
Tempo
81 BPM

Share

More Songs by Roel Cortez

Similar Songs