Breezy Session

2 views

Lyrics

Di matangap na wala ka na
 sa panaginip ko'y palagi kang nandun
 at tayo'y magkasaa
 binabalikan ang mga nagdaan sa atin
 dahil di ako sana'y ng wala ka
 magkahawak kamay naglalakad sa tabing dagat
 tirik man ang araw parang langit pag nakayakap
 ako sa iyo tapos nakahawal ka sa king braso
 nangangarap habang nakatingin tayo sa malayo
 ang dami kong hiling ang dami kong gustong gawin
 mga bagay upang pag-ibig ko'y lalo mong damdamin
 gusto ko yung ganito yung hawak ko ang yong kamay
 magka-akbay, parang wala na yatang papantay
 sa pintig na kakaiba, na hatid mo sa akin
 ako'y ganado pag ikaw ang kasabay kong kumain
 ang yong halik na ang dulot ay ngiti na abot tenga
 kaligayahan na di kayang mabibili ng pera
 di ko kayang isipin ang buhay ng di ka kasama
 naiisip ko pa lang ako'y parang maluluha na
 katabi kita pero ba't ganto ang pakiramdam
 nalulungkot pa rin ako at labis na nasasaktan
 Di matangap na wala ka na
 sa panaginip ko'y palagi kang nandun
 at tayo'y magkasaa
 binabalikan ang mga nagdaan sa atin
 dahil di ako sana'y ng wala ka
 ating kamay ay pinag-isa at ikinorteng puso
 tanda ng pag-iibigan nating hindi susuko
 sa kahit anong hamon sa ating pag sasamahan
 tumanda man tayo hinding hindi magkakasawaan
 gusto ko yung ikaw ay lagi kong sinusurpresa
 walang imposibl pag dating sayo aking prinsesa
 dito tayo sa gitna ng hugis pusong kandila
 magpapaka romantiko 'ko upang mapangiti ka
 mga litrato natin itatali sa mga lobo
 kakantahan kita kahit medyo wala sa tono
 maipadama ko lang kahit sa simpleng paraan
 kung paano kita mahalin at pahalagahan
 sinusumpa ko sa harapan ni ama
 na sa lahat ng sandali at oras ay iingatan ka
 pero bakit ganito ang bigat ng pakiramdam
 nalulungkot ako parang may problemang dinadamdam
 Di matangap na wala ka na
 sa panaginip ko'y palagi kang nandun
 at tayo'y magkasaa
 binabalikan ang mga nagdaan sa atin
 dahil di ako sana'y ng wala ka
 at biglang buhos ng ulan ang tulog ko ay naudlot
 panaginip lang pala sa tabi ng iyong puntod
 mata ko'y ipinikit pinilit muling matulog
 di alintana ang patak ng luha na nahuhulog
 sa aking mata! kahit basang-basa na ng ulan
 hindi ko kase alam kung paano ko sisimulan
 ang buhay ng di ka kasama, sinanay mo kasi ko
 na laging masaya at ang araw ko ay kumpleto
 wala na akong kasabay mag-sipilyo
 wala ng makulit na laging uupo dito sa binti ko
 wala na akong ka-subuan kapag kumain
 sa tuwing a-trese wala na kong susurpresahin
 wala na akong bibigyan ng bulaklak
 at yayakapin sa harapan ng mga taong pumapalakpak
 wala na ang babaeng habang buhay kong mamahalin
 lahat ng yan ay tanging sayo ko lamang kayang gawin
 Di matangap na wala ka na
 sa panaginip ko'y palagi kang nandun
 at tayo'y magkasaa
 binabalikan ang mga nagdaan sa atin
 dahil di ako sana'y ng wala ka
 Di matangap na wala ka na
 sa panaginip ko'y palagi kang nandun
 at tayo'y magkasaa
 binabalikan ang mga nagdaan sa atin
 dahil di ako sana'y ng wala ka

Audio Features

Song Details

Duration
04:08
Key
1
Tempo
95 BPM

Share

More Songs by Sensational

Albums by Sensational

Similar Songs