Hindi Mo Na Ba Minamahal

3 views

Lyrics

Napapansin kong tila may pagbabago ka
 Hindi ka na kasinglambing noong una
 Ngayo'y lagi ka nang nagtatampo, nahihirapan na ako
 Ano ba ang nangyayari sa 'yo?
 Bihira na kung tayo ay namamasyal ngayon
 At kung nag-uusap ay 'di na 'singsaya noon
 Sabihin mo na nga sa 'kin, ikaw pa ba'y may pagtingin?
 Nasasaktan na ang damdamin ko
 Hindi mo na ba minamahal?
 Hindi mo na ba hinahanap
 Ang tamis ng ating pagmamahalan?
 Hindi mo na ba minamahal?
 Hinihiling ko lang na sana ay magbago ka
 Umaasa pa rin ako'y minamahal mo pa
 Pag-ibig ko'y tapat sa 'yo, hinding-hindi maglalaho
 Kahit ngayo'y nasasaktan ako
 Hindi mo na ba minamahal?
 Hindi mo na ba hinahanap
 Ang tamis ng ating pagmamahalan?
 Ayaw mo na ba ang yakap ko?
 Nagbago na ba, damdamin mo?
 Sabihin mo sa aking tapat
 Hindi mo na ba minamahal?
 ♪
 Hindi mo na ba minamahal?
 Hindi mo na ba hinahanap
 Ang tamis ng ating pagmamahalan?
 Ayaw mo na ba ang yakap ko?
 Nagbago na ba damdamin mo?
 Sabihin mo sa aking tapat
 Sabihin mo sa aking tapat
 Hindi mo na ba minamahal?
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:43
Key
2
Tempo
132 BPM

Share

More Songs by TJ Monterde

Similar Songs