Ikaw (From "Mula Sa Buwan")
1
views
Lyrics
Ikaw ay isang rosas na humahalimuyak At wala nang katulad sa hardin ng mga bulaklak Ang ngiti sa 'yong labi ay nakahahalina Nanunukso at tila ang oras ay tumitigil pa Maiinggit ang bukang-liwayway Ang ganda niya'y nawalan ng saysay Sa kulay mong tinataglay At sa mundo ibinibigay ♪ At sa simoy ng hangin, masayang inaawit Ang nakarehas na damdamin ng puso kong pumipintig Tuloy lang ang pangarap ng sumisintang makata Ang sumusuyo kong diwa'y nag-alay ng walang-hanggang tula Maiinggit ang bukang-liwayway Ang ganda niya'y nawalan ng saysay Sa kulay mong tinataglay At sa mundo ibinibigay ♪ Maiinggit ang bukang-liwayway Ang ganda niya'y nawalan ng saysay Sa kulay mong tinataglay Maiinggit ang bukang-liwayway Ang ganda niya'y nawalan ng saysay Sa kulay mong tinataglay At sa mundo ibinibigay Ah-ah-ah-ay
Audio Features
Song Details
- Duration
- 04:15
- Key
- 7
- Tempo
- 156 BPM