Halik Ni Hudas

2 views

Lyrics

Mga asong naloloko, nagpapanggap na tao
 Pangakong matamis, puro langaw at ipis
 Sa bawat tabi at sulok, pagkatao'y nabubulok
 Nakalubog na sa kabaong, lalo pang binabaon
 Tao sa pangil ng buwaya
 Kapangyarihan ng halik ni Hudas
 
 Ubos na'ng mga bayani, mga duwag ang nalalabi
 Kunwari'y matatapang, ihahango sa kahirapan
 Kukunin n'ya lahat sa 'yo, isip at kaluluwa
 Pagkatao mo'y papasukin, tapos dudurugin
 Tao sa pangil ng buwaya
 Kapangyarihan ng halik ni Hudas
 ♪
 Magtiwala ka sa akin, kaligtasan mo ako
 Dito ka susunugin sa aking paraiso
 ♪
 Sumunod sa mga utos, mga lason na pangako
 Ang kanyang mga kamay, mga batong pumapatay
 Kaibigang nakaitim, dadalhin ka sa dilim
 Magpailalim sa kanya, nakatali ng kadena
 Tao sa pangil ng buwaya
 Kapangyarihan ng halik ni Hudas
 Tao sa pangil ng buwaya
 Kapangyarihan ng halik ni Hudas
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:31
Key
1
Tempo
176 BPM

Share

More Songs by Wolfgang

Similar Songs