Masdan Mo Ang Kapaligiran

2 views

Lyrics

Wala ka bang napapansin
 Sa iyong mga kapaligiran?
 Kay dumi na ng hangin
 Pati na ang mga ilog natin
 Hindi na masama ang pag-unlad
 At malayo-layo na rin ang ating narating
 Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
 Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim
 Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
 Sa langit 'wag na nating paabutin
 Upang kung tayo'y pumanaw man
 Sariwang hangin sa langit natin matitikman
 Mayro'n lang akong hinihiling
 Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan
 Gitara ko ay akin dadalhin
 Upang sa ulap nalang tayo magkantahan
 ♪
 Ang mga batang ngayon lang isinilang
 May hangin pa kayang matitikman
 May mga puno pa kaya silang aakyatin
 May mga ilog pa kayang lalanguyan
 Hindi na masama ang pag-unlad
 Kung hindi nakakasira ng kalikasan
 Bakit hindi natin pag-isipan
 Ang nangyayari sa ating kapaligiran?
 Darating ang panahong
 mga ibong gala ay wala ng madadapuan
 Masdan mo ang mga puno'y dati ay kay tatag
 Ngayo'y namamatay dahil sa ating kalokohan
 Lahat ng bagay na narito sa lupa
 Biyaya'y galing sa Diyos kahit nang ika'y wala pa
 Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
 'Pagkat 'pag kanyang binawi tayo'y mawawala na
 Mayro'n lang akong hinihiling
 Sa aking pagpanaw sana ay tag ulan
 Gitara ko ay aking dadalhin
 Upang sa ulap nalang tayo magkantahan
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:15
Tempo
168 BPM

Share

More Songs by Xanctuary

Similar Songs