Mahal Na Mahal
2
views
Lyrics
Mahal na mahal Mahal na mahal kita Mahal na mahal kita Sana ay marinig mo ang ginawa kong kanta Para sa'yo ang pag-ibig ko 'Wag mo sanang kalimutan Nandito lang ako para sa'yo Noong ikaw ay makilala ko, 'di ko alam ang nadama Biglang tumibok ang puso na parang may kaba Hindi ko rin alam kung pa'no sasabihin kung ano Ang nakita ko sa'yo, parang pinana mo ang puso At hindi rin mapigilan ang pag-iisip sa'yo Mapa-araw o gabi, hindi na 'ko mapakali Ikaw ay nasa panaginip, magkahawak ang kamay Yayakapin ka nang mahigpit, hindi maghihiwalay Habang iniisip ang pagkakataong ito na kasama Ang aking mahal, dito sa tabi ko at wala nang Magbabago sa'tin kahit tumagal ang taon at Panahon, mananatili kang sa akin at ako'y sa iyo Iyan ang iyong tatandaan, sinisisgaw ng puso ko Na tayo'y magpakailanman Magsasama sa buhay sa ginhawa o sa hirap Ang lahat ay gagawin upang matupad, ating pangarap Mahal na mahal kita Sana ay marinig mo ang ginawa kong kanta Para sa'yo ang pag-ibig ko 'Wag mo sanang kalimutan Nandito lang ako para sa'yo Ang pagmamahal ko sa'yo, kailanma'y hindi 'to masusukat Ito ang liham ko sa'yo at sana mabasa ang aking sulat Isa man ang pahina, sagad naman at nag-aalab Walong rima ng pag-ibig na mula sa puso ko, kinalap Ito ang mga sumusunod na nadarama kapag 'and'yan ka Ang makita ka, buo na araw ko at masaya na Sa tuwing tayong dalawa ay magkikita't magkasama Ako'y kontento na kahit 'di na umalis at maggala pa Ngayon, ipagtatapat sa'yo hindi ko kayang mawala ka Dahil sa'yo lang binuo ang mundo ko, maniwala ka sana Tanging hinangad ay mahalin ka, pagsilbihan at mahagkan ka 'Yan lang ang gustong gawin hanggang ako ay mawala na Halika sa akin at sumama, damahin ang luha ko 'pag wala ka 'Wag na 'wag mong lilisanin, dahil hindi ko ito makakaya Isa na lang bago tapusin, tumabi ka sa'kin, may sasabihin Girl, "mahal na mahal kita", 'yan ang sigaw nitong damdamin Mahal na mahal kita Sana ay marinig mo ang ginawa kong kanta Para sa'yo ang pag-ibig ko 'Wag mo sanang kalimutan Nandito lang ako para sa'yo Paulit-ulit kong sasabihin na mahal kita At makikita mo ito sa'king mga mata Ikaw lang ang mahalaga para sa akin Dahil ang katulad mong pumukaw sa'king damdamin 'Di ko akalain na mamahalin mo din ako Dahil alam ko na hindi tayo pareho Simpleng tao lang ako na nagmamahal sa'yo At umaasa na hindi maglaho ang pag-ibig mo Mahal kita, alam mo 'yan at walang iba Dito sa puso ko, ikaw lang ang nakadikta Wala na sanang magbago sa'ting dalawa At pinapangako ko, ikaw lamang sinta Pagmamahalan natin na walang katapusan Umasa ka sa akin, hindi kita pababayaan Puso ko, pag-ibig ko, sa iyo ilalaan Gagawin ko ang lahat para ito'y panindigan Ikaw lang ang aking mamahalin (mamahalin) Pangako ko, lagi kong sasambitin (lagi kong sasambitin) Ang pangalan mo na naka-ukit sa damdamin ko Kailanma'y hindi mawawala ang pagmamahal sa'yo Mahal na mahal kita Sana ay marinig mo ang ginawa kong kanta Para sa'yo ang pag-ibig ko 'Wag mo sanang kalimutan Nandito lang ako para sa'yo (Mahal na mahal na mahal kita) (Mahal na mahal na mahal kita) Para sa'yo Mahal na mahal kita
Audio Features
Song Details
- Duration
- 05:45
- Tempo
- 136 BPM