Fix You (Spoken Word)

3 views

Lyrics

Sa kaibuturan ng puso may natabi akong kahon
 Tagpi tagping tela ng mga alaalang naipon
 Mga butones, palamuti, sinulid at karayom
 Tinabi ko ang kahon para sa araw na kakailanganin ko
 Kasi alam ko namang hindi kita maaangkin
 At baka magising na wala ka na sa tabi ko
 Pero nung nakilala ka
 Nakita kong mas kaylngan mo munang maayos
 Kaya ginamit ko sa'yo lahat ng alam
 Lahat ng gamit at lahat ng oras sa'yo ko inubos
 At habang ika'y sumisigla
 Napansin ko, ako naman naghikahos
 At kahit hindi pa buo, ika'y unti-unti ng lumayo
 Tumakbo na kahit na hindi pa nabuhol ang sinulid sa'yong buto
 At kahit na inubos mo ang laman ng kahon na pinakakaingatan ko
 Masaya akong makita kang masaya at taas noo
 Huwag ka magalala
 Sa pagkalinga sa'yo, ako'y napaligaya
 At kahit hindi na makasabay sa bilis ng iyong bagong anyo
 Nandito ako, nakatingala
 At kahit na ako'y naiwan, at hindi mo na makita
 Sana na lang, balang araw
 Maisip mo na dati
 Naayos kita
 

Audio Features

Song Details

Duration
01:48
Key
2
Tempo
136 BPM

Share

More Songs by Bela Padilla

Similar Songs