Tag-Araw - From "Miracle In Cell No. 7"

3 views

Lyrics

Ikot ng mundo, tila ay bumabagal
 Ngunit alam kong 'di na rin magtatagal
 Ang aking hinihintay ay makakamit
 'Pagkat bughaw na ang kulay ng ating langit
 Pilitin man ay 'di mo na mapipigil
 Ang kanyang pag-ahon, ang kanyang paggising
 Ikaw lamang ang nais kong kapiling
 Kung darating ang tag-araw
 Lagi na lamang aking nasasaisip
 Ang pagsapit ng tag-araw
 ♪
 Sana ang init mo'y aking maramdaman
 Araw na nagdaan ay 'di ko na mabilang
 Sa 'king paghihintay, ako'y nasasabik
 Pinapanalangin na ang 'yong pagbabalik
 Huwag mo na sana sa aki'y ipagkait
 Ang tanging hangarin na ika'y makapiling
 Ikaw lamang ang nais kong kapiling
 Kung darating ang tag-araw
 Lagi na lamang aking nasasaisip
 Ang pagsapit ng tag-araw
 Hanggang kailan kaya ako maghihintay
 Upang ang tag-araw sa akin ay kusa nang ibigay?
 ♪
 Ikaw lamang ang nais kong kapiling
 Kung darating ang tag-araw
 Lagi na lamang aking nasasaisip
 Ang pagsapit ng tag-araw
 Ikaw lamang ang nais kong kapiling
 Kung darating ang tag-araw
 Lagi na lamang aking nasasaisip
 Ang pagsapit ng tag-araw
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:41
Key
4
Tempo
87 BPM

Share

More Songs by Bela Padilla'

Similar Songs