Dapat Pa Ba?

6 views

Lyrics

Nalimot na nga ba ang ating pangako
 Na tayo'y magsasama sa hirap at ginhawa?
 Ating tinapon tamis ng kahapon
 Tiwala'y naglaho, kaya pa bang magbago?
 Ito pa ba'y dapat ipaglaban
 Kung tayong dalawa ay nasasaktan lang
 Alipin ng ating nakaraan
 Dapat pa bang ipaglaban ang ating nadarama?
 Dapat na bang limutin at humanap ng iba?
 Puso'y nahihirapan nang hanapin ang saya
 Dapat pa bang ibigin ka?
 Dapat na bang limutin na?
 ♪
 Tayo pa nga ba ang para sa isa't isa?
 Kay daming pag-ibig ang pinalipas na
 Pilit binubuhay ang pag-asa
 Sa puso nating s'yang naglaho na
 Siguro nga tamang sumuko na
 Bakit pinaglalaban pa'ng ating nadarama?
 Ba't 'di na lang limutin at humanap ng iba?
 Puso'y nahihirapan nang hanapin ang saya
 Dapat pa bang ibigin ka?
 Dapat na bang limutin?
 Ang bawat yugto't kwento ng ating pagsasama
 Ay tila nandito na sa huling pahina
 Ang masayang pagwawakas ng pag-ibig na wagas
 Ay nalimot at ating pinalagpas
 Dapat pa bang ipaglaban ang ating nadarama?
 Dapat na bang limutin at humanap ng iba?
 Puso'y nahihirapan nang hanapin ang saya
 Dapat pa bang ibigin ka?
 Dapat na bang limutin, limutin na?
 Dapat pa ba?
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:42
Key
11
Tempo
60 BPM

Share

More Songs by Daryl Ong

Albums by Daryl Ong

Similar Songs