Torpe

6 views

Lyrics

Hmm-mmm
 Hey-yeah, hey-yeah, hey-yeah, hey-yeah
 Oh, kay ganda ng bawat umagang lagi kang nakikita
 Nang masilayan, parang nasa ulap na
 Bawat sulyap ng 'yong mata
 Tila ako'y nanghihina, ako'y suko na
 Ngunit, 'di mo alam ang aking nararamdaman
 Akala mo'y tingin sa 'yo'y pang-kaibigan lang
 Pilit na lang tinatago, sa takot na mabigo
 Ngunit, 'di matahimik ang puso
 Bukas na lang (bukas kung kailan)
 Bukas kung kailan ang puso'y may tapang (ooh-ooh-ooh)
 Para sabihin sa iyo, ikaw lamang (ikaw lamang)
 Ang siyang nilalaman ng puso ko (puso ko)
 Alam kong dapat mo nang malaman
 Ngunit (ngunit), bukas na lang (bukas na lang, bukas na lang)
 Oh, kailan ba? (Oh, kailan ba?)
 Kailan masasabi sa 'yong mahal kita? (Mahal na mahal na mahal)
 Ngunit, 'pag nalaman baka umiwas na (baka umiwas)
 Tiyak na mundo'y magugunaw
 'Pag hindi ka matanaw, oh, pa'no na? (Ooh-ooh)
 Ngunit, 'di nga naman malalaman kung 'di susubukan (sabihin mo na)
 Hanggang kailan na lang ba kita pagmamasdan? (Hanggang tingin)
 Lagi na lang umuurong kahit nasa tamang pagkakataon
 Bakit 'di pa magawa ngayon?
 Bukas na lang (bukas kung kailan)
 Bukas kung kailan ang puso'y may tapang (sige na, lakasan ang loob)
 Para sabihin sa iyo, ikaw lamang (ikaw lamang)
 Ang siyang nilalaman ng puso ko (puso ko)
 Alam kong dapat mo nang malaman
 Ngunit, bukas na lang, ooh
 Bukas na lang (bukas kung kailan)
 Bukas kung kailan ang puso'y may tapang
 Para sabihin sa iyo, ikaw lamang (ikaw lamang)
 Ang siyang nilalaman ng puso ko (ooh)
 Alam kong dapat mo nang malaman
 Ngunit, bukas na lang

Audio Features

Song Details

Duration
03:57
Key
2
Tempo
146 BPM

Share

More Songs by Daryl Ong

Albums by Daryl Ong

Similar Songs