Demo Tape (feat. Vic Mercado) - Interlude

3 views

Lyrics

Isang araw, papunta ako sa bahay ng aking tropa
 Kasi sabi n'ya, "'Tol, heto na, mayro'n na 'kong nakuha na drum machine
 Para ma-record na natin ang rap mo
 Tara na, bilisan mo bago pa dumating ermat at erpat ko"
 "Sige, bumili ka ng blank tape, magbaon ka ng hotcake
 'Wag ka nang mag-doorbell, 'di naman naka-lock ang aming front gate"
 Lumipas ang ilang oras at sa wakas ay limang kanta ang aming natapos
 Agad akong umuwi sa 'min, nagbihis at isinuot ang sapatos
 Na luma't mabaho ay pudpod ang suwelas pa
 "Aalis na 'ko, 'Nay", "Sige, mag-ingat ka"
 Sumakay ako ng jeep
 Ako'y inantok at agad akong napapikit
 Isang oras ang dumaan, 'di ako nainip
 Eto nga po'ng bayad, diyan na lamang ako sa tabi, oh, sige na, dali
 Ako'y bumaba sa Cubao, fishball na medyo hilaw
 Ang tanghalian ko, wow; sana ay 'di maligaw
 Dahil eksakto lang ang dala kong pamasahe
 'Di pa 'ko sumusuweldo at 'di pa rin nakabale
 Sa amo ko na masungit, amo ko na kuripot
 Amo ko na walang alam gawin kundi umikot
 At maghanap ng mali na ginawa ng kanyang mga tauhan
 Ang sarap mong sampalin at ang sarap mong batukan, ops!
 Mabalik tayo sa Cubao
 Matapos ang tanghalian kong fishball na hilaw, hoy
 Para bang may ibang pera na 'yong inabot
 Natapunan pa ng toyo'ng polo kong suot
 "Pasensiya na, okay lang", pero nakasimangot
 Binigyan na lamang ako ng dalawang balot
 Tapos, naglakad ako papunta sa lugar na kung saan ay nandoon
 Ang record label na susubukang mapasok at maibigay ang demo tape ko na ito
 Malapit na ako (malapit na ako), nandito na ako (nandito na ako), papasok na ako
 Kinakabahan ako, pero eto talaga'ng gusto kong gawin
 Ang maging rap star na parang rock star
 Magandang sports car, kaso lang may guard
 "Saan ka pupunta?"
 "Mayro'n po akong demo tape na dala"
 "Pero alam ba nila? Teka, sino ka? Tumawag ka na ba?
 Iniintay ka ba? Pa'no 'yan, 'di pala?"
 

Audio Features

Song Details

Duration
01:49
Key
10
Tempo
78 BPM

Share

More Songs by Gloc 9'

Similar Songs