Lando (feat. Chito Miranda)
6
views
Lyrics
'Wag kang mabahala, may nagbabantay sa dilim Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim 'Di ka hahayaan na muli pang masaktan 'Wag ka nang matakot sa dilim Ito ay kuwentong hango, nanggaling sa dalawang taong Nagmamahalan nang tunay, ang ngala'y Elsa at Lando At kahit parang pagkakataon ay nakakandado Dahil magkalayo ang uri ng buhay ang estado Ng buhay ni Lando ay 'di nalalayo sa marami Sinunog ng araw ang kulay ng balat At marami nang galon ng pawis ang kanyang naidilig sa lupa Upang ang gutom ay 'di na masuklian pa ng luha Habang ang babaeng kanyang minamahal ay sagana Ngunit kabilang sa pamilya na 'di alintanang Makipagkapuwa-tao sa mga tulad n'yang dukha Gayon pa ma'y patuloy ang pagmamahal na pinunla ng pag-ibig 'Wag kang mabahala, may nagbabantay sa dilim Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim 'Di ka hahayaan na muli pang masaktan 'Wag ka nang matakot sa dilim Kahit na ano mang bagay ang pilit na ihadlang Sino man ay walang makapipigil sa paghakbang Ng mga paa na ang nais ay marating ang ligaya Niyayang magtanan, 'di nag-atubili na sumama Hawak ang pangarap at pangako sa isa't isa Nagpakalayo-layo, 'di namuhay na may kaba Dahil alam nila na sa bawat isa'y nakalaan At ang pagmamahalan, tangi nilang sinasandalan Wala nang ibang bagay pa silang mahihiling Kundi isang pamilya sa loob ng apat na dingding At isang bubong na maaaring tawaging tahanan Bakit may pangit na kabanatang kailangang daanan pa? 'Wag kang mabahala, may nagbabantay sa dilim Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim 'Di ka hahayaan na muli pang masaktan 'Wag ka nang matakot sa dilim Isang gabi ng Huwebes, lumubog na ang araw Doon tayo magkita, pasalubong ko'y siopao Upang ating paghatian pagdating ng hapunan Mayro'n palang nakaabang sa 'min na kamalasan Eskinita sa Ermita, may sumaksak kay Elsa Sa tagiliran, isang makalawang na lanseta Ang gamit upang makuha lang ang kanyang pitaka Kami'y mahirap lamang, bakit 'di na s'ya naawa? Hindi ko naabutang buhay ang aking mahal At hanggang sa huling hantungan ay nagdarasal "Bakit po? Bakit po?", ang laging lumalabas Sa 'king bibig, palaboy-laboy, ni walang landas Akong sinusunod, baliw sa mata ng marami Siguro nga, 'di ko na kilala ang aking sarili Pangala'y taong grasa, may patalim na gamit At ang tanging alam ay isang malungkot na awit, at ang sabi 'Wag kang mabahala, may nagbabantay sa dilim Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim 'Di ka hahayaan na muli pang masaktan 'Wag ka nang matakot sa dilim
Audio Features
Song Details
- Duration
- 05:07
- Key
- 9
- Tempo
- 120 BPM