Intro Ni Aristotle (feat. Top Suzara)

2 views

Lyrics

Ang pangalan ko ay Aristotle Pollisco
 Nag-aral sa Binangonan Elementary School
 Nagtapos sa Mataas na Paaralan ng Morong Rizal
 Nag-aral ng kolehiyo
 Natigil
 Nagpatuloy
 Ano ba ang pwede kong sabihin na medyo 'di matulin
 Para lang maabutan ang gusto kong habulin
 Pang lima ko nang trabaho 'to akalain mo
 'Di ako nagbibiro pambili ng pagkain 'to
 Hindi ito siga song, nagkakamali ka chong
 Tinunaw na stayro pangtapal sa butas ng bubong
 Dapat laging sakto ang hinga mo dahil si Gloc 'to
 Parang sinabi ni Shawn Carter na the roc 'to
 Sino yun si Jay-Z simple parang A-B-C
 'Nungaling mamahaling rapper na bineybi
 Ng mga katropa para lamang maiguestlist
 Ang magpakaegoy ang laging una sa checklist
 Kumain ng breakfast para 'di ka wreck less
 At mahibang magyabang parang itim na Elvis
 Kung 'di man ako makagawa pa ng isa
 Pagkatapos ng lahat, sana ay natuto ka na
 Kasi kung nagkataon hanggang leeg mo ay baon
 Iisa isahin ko sayong mga mali mong baon
 Malalaman ng iba na puro angas ka lang
 'Di ka ba sinabihan ng nanay mo huwag kang magyabang
 

Audio Features

Song Details

Duration
01:27
Key
7
Tempo
90 BPM

Share

More Songs by Gloc 9'

Similar Songs