Lando - Radio Edit
3
views
Lyrics
Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim Nakaabang sa sulok at may hawak na patalim Di ka hahayaan na muli pang masaktan Wag ka nang matakot sa dilim Ito ay kwentong hango na galing sa dalawang taong Nagmamahalan ng tunay ang ngala'y Elsa at Lando Kahit parang pagkakataon ay nakakandado Dahil magkalayo ang uri ng buhay ang estado Hawak ang pangarap at pangako sa isa't isa Nagpakalayo-layo di namuhay na may kaba Dahil alam nila na sa bawa't isa'y nakalaan At ang pagmamahalan tangi nilang sinasandalan Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim Nakaabang sa sulok at may hawak na patalim Di ka hahayaan na muli pang masaktan Wag ka nang matakot sa dilim Isang gabi na Huwebes lumubog na ang araw Doon tayo magkita pasalubong ko'y siopao Upang ating paghatian pagdating ng hapunan Meron palang nakaabang sa amin na kamalasan Eskinita sa Ermita may sumaksak kay Elsa Sa tagiliran isang makalawang na lanseta Ang gamit upang makuha lang ang kanyang pitaka Kami'y mahirap lamang bakit di na siya naawa Hindi ko naabutang buhay ang aking mahal At hanggang sa huling hantungan ay nagdarasal Bakit po bakit po ang laging lumalabas Sa aking bibig palaboy-laboy ni walang landas Akong sinusunod baliw sa mata ng marami Siguro nga di ko na kilala aking sarili Pangala'y taong grasa, may patalim na gamit At ang tanging alam ay isang malungkot na awit At ang sabi... Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim Nakaabang sa sulok at may hawak na patalim Di ka hahayaan na muli pang masaktan Wag ka nang matakot sa dilim Wag ka nang matakot sa dilim
Audio Features
Song Details
- Duration
- 03:24
- Key
- 9
- Tempo
- 123 BPM