Tara Na Bayan

6 views

Lyrics

Nakita ko ang kalagayan
 Dama ko rin ang kahirapan
 Sa aking paglalakbay
 Dito sa bayan kong mahal
 Mga batang walang masandalan
 Buto't balat na lang nang aking tingnan
 Lugmok sa karamdaman
 Sikmura'y kumakalam
 Kailangan ba nilang sapitin?
 Ang paghihirap, maraming 'di nakakapansin
 Kayang-kaya natin itong matugunan
 Kung may nalalabi pang pagmamahal
 Ibahagi, lahat ipadama
 Ang tulong at kalinga sa mga kapatid nating nagdurusa
 ♪
 Sa kagutuman, siya'y pumanaw
 Sa Luzon o Visayas man at sa Mindanao
 Bakit ba napabayaan?
 'Di man lang napagsilbihan
 At sa aking muling paglalakbay
 Dinggin sana ang mga panalangin ko
 Na may ngiti at sigla na sana
 Mga pinagkait ang nilikha
 Kailangan ba nilang sapitin?
 Ang paghihirap, maraming 'di nakakapansin
 Kayang-kaya natin itong matugunan
 Kung may nalalabi pang pagmamahal
 Ibahagi, lahat ipadama
 Ang tulong at kalinga sa mga kapatid nating nagdurusa
 Tara na, bayan
 Tayo'y magtulungan
 Ikaw at ako, may tungkulin na gagampanan
 Kayang-kaya natin itong matugunan
 Kung may nalalabi pang pagmamahal
 Ibahagi, lahat ipadama
 Ang tulong at kalinga sa mga kapatid nating nagdurusa
 Tara na, bayan
 Tara na, bayan
 Tara na, bayan
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:59
Key
8
Tempo
148 BPM

Share

More Songs by Johnoy Danao

Albums by Johnoy Danao

Similar Songs