Tulungan Natin

6 views

Lyrics

Ako'y umiiwas sa away at gulo
 Maraming maiinit at mahilig sa basag-ulo
 Bakit kailangan pa'ng manakit ng kapwa?
 Kailangan pa bang tayo'y maging siga?
 Kung tayo ay talagang matatapang
 Bakit hindi natin harapin ang ating sarili?
 Sawang-sawa na tayo sa mga palabas
 Hukayin naman natin ang nasa ating loob
 Tulungan natin ang mga bulag
 Tulungan natin ang mga bingi
 Tulungan natin ang mga ligaw
 Tulungan din natin ang ating, ang ating sarili
 Matuto na tayong gumalang sa ating sarili
 Matuto na tayong umunawa ng kapwa
 Tayo'y magsikap upang tayo'y umunlad
 Limutin na natin ang ugaling tamad
 Iwasan na natin ang ating mga ilusyon
 Ikalat na natin na tayo'y isang nasyon
 Kahit hindi tayo magkakakilala
 Tayo'y magkakapatid at magkakasama
 Tulungan natin ang mga bulag
 Tulungan natin ang mga bingi
 Tulungan natin ang mga ligaw
 Tulungan din natin ang ating, ang ating sarili, oh
 Kahit hindi tayo magkakakilala
 Tayo'y magkakapatid at magkakasama
 Tulungan natin ang mga bulag
 Tulungan natin ang mga bingi
 Tulungan natin ang mga ligaw
 Tulungan din natin ang ating, ang ating sarili

Audio Features

Song Details

Duration
03:56
Key
4
Tempo
147 BPM

Share

More Songs by Mike Hanopol

Albums by Mike Hanopol

Similar Songs