Handa, Awit

3 views

Lyrics

Sa wakas, nahanap din kita
 Ilang taon na rin akong paikot-ikot sa bakurang ito
 Nabaligtad ko na ang lahat ng mga bato
 Nahawi ko na ang bawat piraso ng damo
 Hinalughog ko na ang langit at lupa
 Para sa nawawalang kapiraso ng aking dibdib
 Ang buto na kukumpleto sa balangkas ng imahe ng pag-ibig
 Sa panaginip, sinundan ko ang mga iniwan mong bakas
 At sa pagbukas ng aking mga mata, sa wakas, nahanap din kita
 Totoo pala 'yung mga kuwento nila
 Naalala ko, sabi nila sa 'kin
 Kapag natagpuan mo na daw ang hinahanap mo
 At bumaligtad ang iyong sikmura
 Nanghina ang mga tuhod mo, bumilis ang tibok ang puso mo
 At hindi mo mapigilan ang nginig sa iyong mga kamay
 Nagkakamali ka, hindi s'ya ang hinahanap mo
 Dahil kapag nahanap mo na daw ang 'tinadhana sa 'yo ng kalawakan
 Sabi nila, kasabay mong matatagpuan ang kapayapaan
 Ang lubag ng loob, ang kalma na parang bago pa magtagpo ang ating mga katawan
 Matagal na itong pinlano ng ating mga kaluluwa
 Na minsan, hindi tayo magkasya sa isang dibdib
 Kaya't pinaghiwalay tayo ng Maylikha
 Para balang araw, kapag naikot ko na ng sapat na beses
 Ang mga pader sa pagitan nating dalawa, ang mga ito ay tutumba
 At sa wakas, kapag humupa na ang sigwa
 Matatagpuan din kita at natagpuan nga kita
 Sana hindi ako nagkamali
 Dahil minsan na akong naging bala ng tirador
 Na hinawakan nang mahigpit at hinatak papalapit
 Para lamang bitiwan at palayain, iwang lumilipad sa hangin
 Hindi ko alam kung saan ako babagsak
 Pero dinala ako ng tadhana sa bakurang ito
 At naniniwala akong lahat ng bagay, may dahilan
 Dahil naniniwala ako sa Kanya
 Sa may hawak ng tirador na pumuksa ng mga higante sa aking dibdib
 Noong mga panahong wala pang lakas ang aking mga bisig
 Pero ngayon, masasabi kong handa na ako
 Handa na akong muling sumugal
 Handa na akong muling magmahal
 Handa na akong lumabas sa aking bangka
 Kahit ilang beses na akong nagtangka at lumubog
 At nalunod sa kasinungalingan na ang pag-asa
 Ay isang pantasya na binubulag ako sa katotohanan
 Alam kong ang katotohanang andito ka ngayon
 Sa aking harapan ay hindi ko kagagawan
 Pero sa wakas, nahanap din kita
 Dahil ngayon, handa na ako
 At ang tanging panalangin na isinisigaw ko sa hangin
 Ay sana ikaw rin
 Handa ka na ba?
 

Audio Features

Song Details

Duration
02:34
Key
1
Tempo
110 BPM

Share

More Songs by Moira Dela Torre

Similar Songs