Ikaw At Ako

3 views

Lyrics

Sabi nila, balang araw
 Darating ang iyong tanging hinihiling
 ♪
 At noong dumating ang aking panalangin
 Ay hindi na maikubli
 Ang pag-asang nahanap ko sa 'yong mga mata
 At ang takot kung sakali mang ika'y mawawala
 At ngayon, nandiyan ka na
 'Di mapaliwanag ang nadarama
 Handa ako sa walang-hanggan
 'Di paaasahin, 'di ka sasaktan
 Mula noon hanggang ngayon
 Ikaw at ako
 ♪
 At sa wakas ay nahanap ko na rin
 Ang aking tanging hinihiling
 Pangako sa 'yo na ika'y uunahin
 At hindi na itatanggi
 Ang tadhanang nahanap ko sa 'yong pagmamahal
 Ang dudulot sa pag-ibig natin na magtatagal
 At ngayon, nandiyan ka na
 'Di mapaliwanag ang nadarama
 Handa ako sa walang-hanggan
 'Di paaasahin, 'di ka sasaktan
 Mula noon (mula noon) hanggang ngayon
 Ikaw at ako
 ♪
 At ngayon, nandito na
 Palaging hahawakan iyong mga kamay
 Hindi ka na mag-iisa
 Sa hirap at ginhawa ay iibigin ka
 Mula noon hanggang ngayon
 Mula ngayon hanggang dulo
 Ikaw at ako
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:29
Key
4
Tempo
136 BPM

Share

More Songs by Moira Dela Torre'

Similar Songs