Kumpas - Theme of “2 Good 2 Be True”

2 views

Lyrics

Pa'no bang mababawi
 Lahat ng mga nasabi? Hmm
 'Di naman inakalang ika'y darating lang bigla
 Nang walang babala
 Sa isang iglap, nagbago'ng lahat
 Hindi ko na kaya pa na magpanggap
 
 Ikaw ang kumpas 'pag naliligaw
 Ikaw ang kulay sa langit na bughaw
 Sa bawat bagyo na dumadayo
 Ikaw ang kanlungan na kailangan ko
 Kahit hindi mo alam
 Ilang beses mo akong niligtas
 Ikaw ang hantungan at aking wakas
 ♪
 Pa'nong maniniwalang
 Ika'y nasa 'king harapan? Hmm
 'Di naman naiplano, ako'y nabihag nang gan'to
 Totoo ba ito?
 Sa isang iglap, nagbago ako
 Hindi ko na kayang mawalay sa 'yo
 Ikaw ang kumpas 'pag naliligaw
 Ikaw ang kulay sa langit na bughaw
 Sa bawat bagyo na dumadayo
 Ikaw ang kanlungan na kailangan ko
 Kahit hindi mo alam
 Ilang beses mo akong niligtas
 Ikaw ang hantungan at aking wakas
 
 Ah-ah-ah
 Ah-ah-ah
 Ah-ah-ah
 Sana'y iyong matanggap
 Kung sino ako talaga
 ♪
 Ikaw 'yung kumpas no'ng naliligaw
 Naging kulay ka sa langit na bughaw
 Sa bawat bagyo na dumayo
 Ikaw 'yung kanlungan na nahanap ko
 Kahit no'ng 'di ko alam
 Ilang beses mo akong niligtas
 Ikaw ang hantungan at aking wakas
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:28
Key
5
Tempo
124 BPM

Share

More Songs by Moira Dela Torre

Similar Songs