Banal Mong Tahanan

3 views

Lyrics

Sino nga ba ang makakatulad sa 'Yo, Panginoon?
 Ikaw na dakila sa lahat
 Naluluklok sa kaitaas-taasan
 Nadaramtan ng kapangyarihan at kaluwalhatian
 Ay bumaba sa lupa
 Nag-anyong alipin, dumanas ng libong hirap
 Maging kamatayan sa Krus
 Upang sa 'Yong pagkamatay at muling pagkabuhay
 Ay mapanumbalik ang ugnayan ng makasalanang tao
 Sa kabanal-banalang Diyos
 Namamangha kami sa hiwaga ng pag-ibig Mo, Panginoong Hesus
 At sa Iyong kadakilaa'y
 Buong pagpapakumbaba naming idinudulog
 Ang aming mga puso
 Ang puso ko'y dinudulog sa 'Yo
 Nagpapakumbaba, nagsusumamo
 Pagindapatin Mong Ikaw ay mamasdan
 Makaniig Ka at sa Iyo ay pumisan
 Ang puso ko'y dinudulog sa 'Yo
 Nagpapakumbaba, nagsusumamo
 Pagindapatin Mong Ikaw ay mamasdan
 Makaniig Ka at sa Iyo ay pumisan
 Loobin Mong ang buhay ko'y maging banal Mong tahanan
 Luklukan ng Iyong wagas na pagsinta
 Daluyan ng walang hanggang mga papuri't pagsamba
 Maghari ka, oh Diyos, ngayon at kailanman
 Sa oras na ito, Panginoon
 Naririto po ang aming mga puso
 Tanggapin mo ang hain ng pagsamba sa 'Yo
 Ang puso ko'y dinudulog sa 'Yo (tanging sa 'Yo)
 Nagpapakumbaba, nagsusumamo
 Pagindapatin Mong Ikaw ay mamasdan
 Makaniig Ka at sa Iyo ay pumisan
 Loobin Mong ang buhay ko'y maging banal Mong tahanan
 Luklukan ng Iyong wagas na pagsinta
 Ang langit ang Iyong luklukan, oh Diyos
 Ang lupa'y tungtungan Mo lamang
 Subali't nananahan ka sa pusong mapagpakumbaba
 Narito ang aming mga buhay
 Angkinin mo, Panginoon, at gawin Mong tahanan
 Loobin Mong ang buhay ko'y maging banal Mong tahanan
 Luklukan ng Iyong wagas na pagsinta
 Daluyan ng walang hanggang mga papuri't pagsamba
 Maghari ka, oh Diyos, ngayon at kailanman
 Ito lamang ang aming dalangin, oh Panginoon
 Na sa aming mga buhay, puso, kaluluwa at isipan
 Maghari Ka, oh Diyos, ngayon at kailanman
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:14
Tempo
136 BPM

Share

More Songs by Musikatha

Similar Songs