May Galak

3 views

Lyrics

Ito ang oras upang magsaya
 Sapagkat ang Diyos ay ating kasama, amen? (Amen!)
 Ang lahat ng nagmamahal sa Panginoon
 Ay inaanyayahan kong umawit at pumalakpak
 Itaas natin ang ating papuri
 At tayo'y sumigaw ng "Hallelujah!" (Hallelujah!)
 Kung ikaw man ay may kabigatan at lungkot sa puso
 Magsimula kang umawit at magpuri sa Panginoon
 Dahil sa Kaniyang presensya mo lamang
 Matatagpuan ang tunay na kapayapaan
 Sa Kaniyang piling mo lamang
 Mararanasan ang tunay na kagalakan
 Sa Kaniyang bisig mo lamang
 Madarama ang tunay na kalakasan
 Dahil ito ang Kaniyang pangako
 Bibigyan ka Niya ng lakas, tulad ng agila
 At ikaw ay Kaniyang iaangat
 Sa ano mang bagyo o pagsubok
 Kaya inaanyayahan kitang
 Patunay na mag-alay ng papuri
 Sa ating Panginoong Hesus
 Dahil sa piling Niya'y may galak
 May galak, may saya
 May tuwa sa piling ng Diyos
 Sapagkat hirap ng puso ay naglalaho
 May awit, may sayaw
 At papuri para sa Diyos
 Na hatid ng pusong pinagpala Niyang lubos
 Handog Niya ay kapayapaan
 Handog Niya ay kagalakan
 Handog Niya ay kalakasan
 Sa bawat pusong napapagal
 Kaya't ang awit ng papuri
 Awit ng pasasalamat
 At ang awit ng pagsamba
 Ay para lang sa Kaniya
 Sino po ngayon ang nakakaranas
 Ng pagpapanibagong lakas habang nagpupuri sa Diyos?
 Lahat tayo'y pumalakpak
 At ihayag na sa piling niya'y may galak
 May galak (may saya), may saya (may tuwa)
 May tuwa sa piling ng Diyos (whoo-hoo)
 Sapagkat hirap ng puso ay naglalaho (may awit)
 May awit (may sayaw), may sayaw (at papuri para sa Diyos)
 At papuri para sa diyos
 Na hatid ng pusong pinagpala Niyang lubos (oh, Diyos)
 Handog Niya ay kapayapaan (handog Niya ay kagalakan)
 Handog Niya ay kagalakan (handog Niya ay kalakasan)
 Handog Niya ay kalakasan
 Sa bawat pusong napapagal
 Kaya't ang awit ng papuri
 Awit ng pasasalamat
 At ang awit ng pagsamba (ay para lang sa Kaniya)
 Ay para lang sa Kaniya (handog Niya ay kapayapaan)
 Handog Niya ay kapayapaan
 Handog Niya ay kagalakan
 Handog Niya ay kalakasan
 Sa bawat pusong napapagal
 (Kaya't kami'y magpupuri sa 'Yo, Panginoon)
 Kaya't ang awit ng papuri (salamat sa pag-ibig Mo)
 Awit ng pasasalamat (whoo)
 At ang awit ng pagsamba (ay para lang sa Kaniya)
 Ay para lang sa Kaniya (ay para lang sa Kaniya)
 Ay para lang sa Kaniya (ay para lang sa Kaniya)
 Ay para lang sa Kaniya (ay para lang sa Kaniya)
 Ay para lang sa Kaniya
 Papuri sa Kaniya na nagbibigay sa atin ng lubos na tagumpay
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:03
Key
2
Tempo
139 BPM

Share

More Songs by Musikatha

Similar Songs