Sorry Na

4 views

Lyrics

Sorry na kung nagalit ka
 'Di naman sinasadya
 Kung may nasabi man ako, init lang ng ulo
 Pipilitin kong magbago, pangako sa iyo
 Sorry na, nakikinig ka ba?
 Malamang sawa ka na
 Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo
 At parang sirang tambutso na hindi humihinto
 Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga
 Hindi ako nag-iisip, nauuna ang galit
 Sorry na talaga sa aking nagawa
 Tanggap ko na mali ako, 'wag sanang magtampo, sorry na
 Sorry na, 'wag kang madadala
 Alam kong medyo nahihirapan ka
 Ang ibigin ang isang katulad kong parang timang
 Na paulit-ulit kang hindi sadyang nasasaktan
 Sorry na, saan ka pupunta?
 Please naman, 'wag kang mawawala
 Kapag ako ay iwan mo, mamamatay ako
 'Pagkat hawak mo sa iyong kamay ang puso ko
 Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga
 Hindi ako nag-iisip, nauuna ang galit
 Sorry na talaga sa aking nagawa
 Tanggap ko na mali ako, 'wag sanang magtampo, sorry na
 Sorry na
 Mahal kita, sobrang mahal kita
 Wala na 'kong pwedeng sabihin pang iba
 Kundi sorry talaga, 'di ko sinasadya
 Talagang sobrang mahal kita, 'wag kang mawawala, sorry na
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:13
Key
9
Tempo
159 BPM

Share

More Songs by Parokya Ni Edgar

Albums by Parokya Ni Edgar

Similar Songs