Hanggang Sa Huli

8 views

Lyrics

Sa t'wing puso'y nag-iisa
 Mayro'ng himig na kumakatok sa pinto ng aking alaala
 'Di na dapat tumitig pa sa 'yong mga mata
 Ngayon, ikaw na lang ang nakikita
 Ang alaala mo'y tila bago
 Sa panaginip ko ay naro'n ka
 At kahit pa ang mundo ay mag-iba, ako'y laging nandirito
 'Di man ako para sa 'yo, puso'y 'di magbabago
 Walang iba, walang iba, wala nang hahanapin pa
 Pag-ibig ko'y sa 'yo (pag-ibig ko'y sa 'yo), sa 'yo hanggang sa huli
 Siguro nga'y nararapat lang ika'y limutin na
 Pag-ibig ko'y isang hangin na 'di mo madarama ('di mo madarama)
 'Di na dapat tumitig pa sa 'yong mga mata
 'Pagkat ikaw pa rin ang nakikita
 Tanging pag-asa ko'y biglang naglaho
 Ngunit pag-ibig ko'y 'di nawala
 At kahit pa ang mundo ay mag-iba, ako'y laging nandirito
 'Di man ako para sa 'yo, puso'y 'di magbabago
 Walang iba, walang iba, wala nang hahanapin pa
 Pag-ibig ko'y sa 'yo (pag-ibig ko'y sa 'yo), sa 'yo hanggang sa huli
 Kung pinagtagpo, tayong dal'wa'y para sa isa't isa
 At kung nasabi ko ang lahat noon ay may magbabago ba?
 Sa aking bawat paghinga, dalangi'y makapiling ka
 At kung ito na ang huli, nais kong malaman mo na, ooh, ooh
 Mahal kita
 Mahal kita
 Mahal kita
 Walang iba, walang iba, wala nang hahanapin pa
 Pag-ibig ko'y sa 'yo (pag-ibig ko'y sa 'yo), sa 'yo hanggang sa huli
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:14
Key
2
Tempo
132 BPM

Share

More Songs by SB19

Albums by SB19

Similar Songs