Tilaluha

10 views

Lyrics

Sa tuwing ika'y nakikita
 'Di mapigil ang luha sa aking mata
 Pa'no nga ba? Pa'no nga ba? Pa'no nga ba'ng limutin ka
 Kung sa puso ko, ika'y nag-iisa?
 Mali ba na ako'y umaasa?
 Tama ba'ng nadarama para sa 'yo sinta?
 Bakit nga ba? Bakit nga ba? Bakit nga ba mahal kita
 Kung sa puso mo ay mayroon nang iba?
 Unti-unting lunurin ang aking nadarama
 Oh, buhos ng ulan, huwag nang tumila pa
 Pa'no nga ba mapapawi, labis na pagdurusa?
 Kung wala mang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka
 ♪
 Kahit na ula'y tumila na
 Luha sa aking mata'y patuloy pa
 Ano nga ba? Ano nga ba? Ano nga ba'ng magagawa
 Kung hanggang ngayo'y mahal pa rin kita?
 Unti-unting lunurin ang aking nadarama
 Oh, buhos ng ulan, huwag nang tumila pa
 Paano nga ba mapapawi, labis na pagdurusa?
 Kung wala mang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka
 Lahat din ay mawawala
 Kasabay ng pagtila ng nadarama
 Unti-unting lunurin ang aking nadarama
 Oh-
 Unti-unting lunurin ang aking nadarama
 Oh, buhos ng ulan, huwag nang tumila pa
 Paano nga ba mapapawi, labis na pagdurusa?
 Kung wala mang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:57
Tempo
140 BPM

Share

More Songs by SB19

Albums by SB19

Similar Songs