Magulong Usapan (feat. Aphryl & Vlync)

7 views

Lyrics

Palagi kang nandyan para sandalan, napakasarap mong masdan
 Para kang larawan ng walang hanggang saya't sarap mong masdan
 Ang makasama ka palagi'y pagkakataong din na papakawalan
 Mga araw at gabi na magkatabi, mga sandaling papahalagahan
 Binigyang importansya, tinuring isang grasya
 Hinukay mo't binuhay ang nalumbay kong pag asa
 Kasagutan nalang sa tanong ang kulang
 Upang tuluyan nang lumutang
 Maabot at mabuhay ang aking pantasya
 Oo, oo mo na lang ng kulang sana
 Ngunit nang tumatagal ay lumalamig at biglang nagsawa
 Habang minamahal ka'y sumasakit lang lalo ang tama
 Habang lumalapit ako'y lumalayo ka parang andaya
 Hinihila kita pabalik ako'y pinagtutulakan
 Hanggang kaibigan lang pala di ko man lang nahulaan
 Akala ko tayong dalawa'y nagkakaunawaan
 Ako ay pumasok lang pala sa magulong usapan
 Pasensya na kung nararamdaman mong mahal na kita
 Kasalanan mo kasi!
 Hinayaan mo'ng mahulog ako sayo't maging Masaya
 Akala ko ay tayo na?
 Ako'y dalang dala
 Magulong usapan lang pala!
 Totoo palang di' ka makakakain kahit gaano kasarap ang pagkain
 Kapag ikaw ang kaharap ko' Di ko akalain
 Na kapag tumitig ka sa'kin may mga letra sa hangin
 Na kapag pinagsama sama ko may pahaging na laging, Palaisipan
 Di ko lang masabi na ito na yung pag iibigan
 Pano ko nasabi syempre malakas ang aking pakiramdam
 Lalo na ngayong madalas kitang nakakasama parang mag asawa lang
 At kapag nagki kwento ka ng mga nangyari
 Kinikilig ka pa sabi mo pa nga sana ako yung dati, dati
 Dati mong kasintahan pakiramdam ko
 Ako ang bida sa pelikulang pinagbibidahan
 Nang bigla kang nagsabi
 Isa ka sa tropang na laging handang makinig saking biro buti di kita nadali
 Hayyyy
 Di ko lang masabi ng harapan
 Totohanin natin yung biro mo nang malaman mo ang katotohanan
 Pasensya na kung nararamdaman mong mahal na kita
 Kasalanan mo kasi!
 Hinayaan mo'ng mahulog ako sayo't maging Masaya
 Akala ko ay tayo na?
 Ako'y dalang dala
 Magulong usapan lang pala!
 Ilang beses ko mang isiping ba't nagkaganto
 Ang dapat sanang paraiso'y dinaanan na ng bagyo
 Wala na ring maitutulong ang pagtawag ng santo
 Dahil sa ngayon ang pag ibig ay tinabunan na ng tampo
 Di ko inakalang ang dapat sanang masayang takbo
 Ay nawala lang sa pagbilang ng isa, dalawa, tatlo
 Di'ko inasahang ang lahat ng to'y nasayang
 Sa bandang huli alam ko naming wala kang alam at ito'y kasalanan ko
 Ako'y naging mahina sa ngiti mo at hindi ko napigilan
 Nahuli mo'ng kiliti ko at ika'y pinaglihiman
 Mahal na kita kahit na alam kong ito'y imposible
 Kung layuan mo man ako'y tanggap ko't di kita masisisi
 Pasensya na kungako'y naghangad ng hindi pwedeng mangyari
 Pwede bang kalimutan na at ibalik na yung dati
 Ang mahalin ka'y di na bale
 Patawad kung nagpadale ako at iniibig kita ng grabe
 Pasensya na kung nararamdaman mong mahal na kita
 Kasalanan mo kasi!
 Hinayaan mo'ng mahulog ako sayo't maging Masaya
 Akala ko ay tayo na?
 Ako'y dalang dala
 Magulong usapan lang pala!

Audio Features

Song Details

Duration
04:41
Key
6
Tempo
143 BPM

Share

More Songs by Abaddon'

Similar Songs