Yung Pakiramdam Na (feat. Masta and Rheb)
6
views
Lyrics
'Yung pakiramdam na akala mo may sunog sa sobrang ingay Muntik ka pang makapamato ng kapitbahay 'Yun pala, binubulabog ka ni Nanay Bangon na anak, nakahain na ang ating almusal Kape't pandesal, pero bago yun, 'wag mong kalimutang magdasal At magpasalamat sa mga biyaya na natatanggap Bigyan ng pagpapahalaga, kahit na nangangalumata Isipin mo na lang na kahit papa'no'y ramdam ka N'ya Yung pakiramdam na sa problema'y palaging nagugulpi Pakiramdam mo, ika'y aping-api tapos makakatapak pa ng dumi Ng aso, kaso talagang malas no'ng ikinaskas mo mabayabas 'Yung pakiramdam na hindi ka makatakas, para kang sinusundan ng malas 'Yung pakiramdam na naglaslas ka nang dahil sa pag-ibig mo Dahil nang malaman n'yang kayo, oh, nag-break kayo Ngunit kahit na gano'n pa man dapat mong maramdaman Ang kahulugan at ibig sabihin kung bakit ka nakakaramdam At kung pakiramdam mong humantong sa puntong hindi ka na mahal ng Panginoon 'Wag ka namang gano'n, pakiramdam mo lang 'yun 'Yung pakiramdam na dumarating sa buhay mo't hindi maiwasan Kalungkutan man ito o kaligayahan Ang importante ay mayro'n kang kapayapaan sa puso mo Sandali na lang, makakamtan ko na ang tunay na pag-ibig 'Di mo man ipaalam kung anong ibig sabihin, ay ramdam ko sa titig mo 'Yung pakiramdam na ika'y nabasted, pinagpalit ka sa wanted Na matangos ang ilong, may sasakyan na apat ang gulong Mabilis mamahalin at matingkad, kahit sa'n tignan makintab 'Yung pakiramdam na akala mo wala ka nang karapatan pang ma-in love Tinangka mo pa ngang magpatiwakal No'ng ikaw ay tumalon sa walang palapag Gusto mong magbigti kaso lang napigtal, 'di ba una mukha mo no'n lagabag? Tinibag mo ang lahat ng alaala masarap pati gawin, nagpanggap na ikaw ay masaya Nagpakatatag na matatagpuan ang tunay sa 'yong magpapahalaga Hanggang sa dumating s'ya, baklas pati alkansya Oh, D'yos ko, gabayan n'yo 'ko, baka hindi ko na s'ya matansya 'Yung pakiramdam na bigo ka na naman nang dahil sa pag-ibig mo Dahil nang malaman n'yang kayo, oh, nag-break kayo (dahil nang malaman n'yang kayo, oh, nag-break kayo) Ngunit, kahit na gano'n pa man, dapat mong maramdaman Ang kahulugan at ibig sabihin kung bakit ka nakakaramdam At kung pakiramdam mong humantong sa puntong 'di ka na mahal ng Panginoon 'Wag ka namang gano'n, pakiramdam mo lang 'yun 'Yung pakiramdam na dumarating sa buhay mo't hindi maiwasan Kalungkutan man ito o kaligayahan Ang importante ay mayro'n kang kapayapaan sa puso mo Sandali na lang, makakamtan ko na ang tunay na pag-ibig 'Di mo man ipaalam kung anong ibig sabihin, ay ramdam ko sa titig mo Iniiwasan, iniingatan kang mahawakan, matapakan at takot sila na lapitan ka 'Yung pakiramdam na tinititigan ka nila ng masama At tanging uod at langaw lang ang matatawag mong kaibigan 'Yung pakiramdam na ramdam mong hindi ka nila ramdam Nag-iisa kang itim at mahina sa pila ng mga pulang langgam 'Yung pakiramdam na naisip mo na kung bakit may siling pula Ibang-iba ka dahil ang kabilang-buhay ay nasilip mo na 'Yung pakiramdam na nagmahal ka nang sobra at grabe sa babae Na para bang lalaki na ang gusto rin pala ay babae Ibang klase ang tadhana, parang salbaheng Mama Parang binully ka ni Kupido at tinira ng malaking pana, ba't gano'n? Kung tingin man nila sa 'yo ay isang nilalang galing sa labas ng kalawakan Kalma ka lang at tawanan, ang mahalaga'y mayro'n kang kapayapaan At kung pakiramdam mo ay wala nang nagmamahal Dahil paulit-ulit ka na lang nasasaktan 'Wag ka namang ganyan, pakiramdam mo lang 'yan Yung pakiramdam na dumarating sa buhay mo't hindi maiwasan Kalungkutan man ito o kaligayahan Ang importante ay mayro'n kang kapayapaan sa puso mo Sandali na lang, makakamtan mo na ang tunay na pag-ibig 'Di mo man ipaalam kung anong ibig sabihin, ay ramdam ko sa titig mo Sandali na lang, makakamtan ko na ang tunay na pag-ibig 'Di mo man ipaalam kung anong ibig sabihin, ay ramdam ko sa titig mo
Audio Features
Song Details
- Duration
- 04:53
- Key
- 1
- Tempo
- 135 BPM