Darating

6 views

Lyrics

Kung kailangan mo ng kausap
 Kung kailangan mo ng karamay
 Kung kailangan mo ako
 Darating Darating
 Pinulot Sa mesa ang baba
 Umapaw sa luha at nagbaha
 Hindi makuntento
 May hindi na-kuntento
 Kaya ngayon sayad ako sa lupa
 Teka lang ngayon
 Parang di na yata yung ikaw
 Na matibay ang loob at di basta bumibitaw
 Nasan ang isipan, bakit para bang naliligaw?
 Bakit ganyan ka magisip
 Tila manggang nahihilaw
 Kasi maasim
 Maasim ang kinakasadlakan
 Mga balakid sa daan tila di na malagpasan
 Ngayo'y wala na akong pera
 Wala pa ring trabaho
 Walang pinagbabago
 At tila pasan-pasan
 Mga problema
 Alam ko na kung minsan patung-patong
 Na para bang bagyong humampas sa barong-barong
 Pero dapat ay bumangon pag ikaw ay nadapa
 Pero bumangon man ako, wala pa ring magagawa
 Kung kailangan mo ng kausap
 Kung kailangan mo ng karamay
 Kung kailangan mo ako
 Darating Darating
 Alam mo
 Di lang ikaw ang may mga dalahin
 May pagsubok man sayo
 Meron din para sa akin
 Sa amin
 Sa kanila at kung kani-kanino
 Walang hindi namomroblema
 Kahit na sino
 Madali lang yan sabihin
 Mahirap na gawin
 May bagay na di makuha
 Kahit pilit tyaga-in
 Parang babaeng niligawan
 Aagawin ang pansin
 Pero sa bandang huli
 Balewala parin
 Anong klaseng dahilan yan
 Parang baluktot
 Parang sinabi mong
 Habang buhay ka ng malungkot
 Kung mangangarap
 Akyat ka lang hanggang sa tuktok
 Para bumaon ang pako
 Dapat may pumukpok
 Ginagawa naman lahat
 Pero bakit suma-sablay
 Sa agos ng buhay
 Na pilit sumasabay
 Wag mawalan ng pag-asa
 Marami ang gumagabay
 Dapat lalong tumatapang
 Habang ika'y umaaray
 Kung kailangan mo ng kausap
 Kung kailangan mo ng karamay
 Kung kailangan mo ako
 Darating Darating
 Kung kailangan mo ng kausap
 Kung kailangan mo ng karamay
 Kung kailangan mo ako
 Darating Darating
 Darating
 At kung di ka kumbinsido
 Eto makinig ka
 Dapat tibayan ang loob, kapag nakikidigma
 Marami ang pagsubok
 Hahamunin ang tigas
 Dapat mag paka-tatag
 Para hanguin ang bigas
 Sa dating palay
 Mula sa palad ng mag-sasaka
 Bawat butil sa bukid
 Hindi dapat mag pa-baya
 Ang ugali ng Pinoy
 Kahit may nagpapakaba
 Nakukuha pang ngumiti
 Kung minsan nagpapatawa
 Sana makuha mo ito
 Na hindi yan ang wakas
 Gamitin mo ang iyong puso at natitirang lakas
 Laging may hamon bawat bukas
 Laglag kahit malakas
 Tandaan mo lang palagi na
 May langit sa taas
 Wag ka ng mag-alangan
 Manatiling palaban
 Iisa lang ang mundo na ating ginagalawan
 Pag-asang nakalaan
 Nasa iyo ang paraan
 Maglakbay ng diretso
 Kahit maputik sa daan

Audio Features

Song Details

Duration
03:47
Tempo
90 BPM

Share

More Songs by Dello

Albums by Dello

Similar Songs