Simula (feat. Flict G.)

5 views

Lyrics

(Simula)
 Nagsimula ako sa dulo
 Unang hakbang sa aking nilalakbay
 (Sa simula)
 Karanasan ang s'yang nagturo
 Ng kung ano man ang aking tinataglay
 (Simula)
 Nagsimula ako sa una
 Sa bawat pahina ng aking tula
 Ngayon ay akin lang nililingon
 Nililingon kung sa'n ako nagsimula
 Ito ang simula ko, hindi pa simulado
 Mahirap maniguro, 'pag hindi ka sigurado
 Pero kahit na dehado, mahusay bumato
 Walang kaplastikan, eto ang tunay na ako
 'Yung tipong 'di mayaman, kaya 'di 'ko din malaman
 Na kung bakit 'pag mahirap, kinakayan kayanan
 Kailangan na tapangan, kaylangan na lumaban
 Sa mga kapeng decaf habang sa'kin ay gulaman
 Ako ay nasa gilid, paligid ligid lang
 Pero nagulat ang lahat, napatahimik ng bigla
 Marinig ang aking tinig
 Ako'y tinitignan mga matang mapang mata pero ang utak ay piga
 Yung dati na nilaet, ngayon 'di ka makalapit
 Nadama mo ang lakas sa bawat bira sa awit
 Ito sa tagumpay mahigpit akong kumapit
 Tenga ang iyong gamitin nang malaman mo kung bakit
 (Simula)
 Nagsimula ako sa dulo
 Unang hakbang sa aking nilalakaran
 (Sa simula)
 Karanasan ang s'yang nagturo
 Ng kung ano man ang aking tinataglay
 (Simula)
 Nagsimula ako sa una
 Sa bawat pahina ng aking tula
 Ngayon ay akin lang nililingon
 Nililingon kung sa'n ako nagsimula
 Diyos ang naging sandalan ko't paniniwala
 Hanggang ngayon mula pa sa'king pagiging bata
 Niyakap ko nang maigi ang pagtitiwala
 Naniwalang kapag may mapaet ay may ginhawa
 At lumakad ng lumakad pasulong
 Di alintana ang balakid at panganib na bumubulong
 Nakipaglaban nang lubusan sa tadhana
 Walang ibang katulong at tanging kakampi lang ay si Bathala
 Ang buhayin ang hip-hop ay ginawa ko nang panata
 Uwi na lang bahala ko na rin ang salitang bahala
 At eto ang simula ko kahit di pa titulado
 Pagdating sa entablado at sarap ay edukado
 Bawat pagod at hirap ay tinuring kong karangalan
 Bawat butil ng pawis ay tinuring kong kayamanan
 Nang mga nasa taas nagsimula rin sa baba
 At lahat ng nasa mundo ay nagmula rin sa wala
 (Simula)
 Nagsimula ako sa dulo
 Unang hakbang sa aking nilalakbay
 (Sa simula)
 Karanasan ang s'yang nagturo
 Ng kung ano man ang aking tinataglay
 (Simula)
 Nagsimula ako sa una
 Sa bawat pahina ng aking tula
 Ngayon ay akin lang nililingon
 Nililingon kung sa'n ako nagsimula
 (Simula)
 Nagsimula ako sa dulo
 Unang hakbang sa aking nilalakbay
 (Sa simula)
 Karanasan ang s'yang nagturo
 Na kung ano man ang aking tinataglay
 (Simula)
 Nagsimula ako sa una
 Sa bawat pahina ng aking tula
 Ngayon ay akin lang nililingon
 Nililingon kung sa'n ako nagsimula
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:13
Key
8
Tempo
168 BPM

Share

More Songs by Dello'

Similar Songs