Prototype

5 views

Lyrics

So, ngayon, i-interview-hin ko po ngayon si Dello
 'Yun, magandang araw po sa inyong lahat
 At nagpapasalamat po ako at inimbitahan n'yo 'ko dito
 Maraming salamat po
 Ah, Dello, balita ko, lalabas ka daw ng album
 Maaari mo ba 'tong idetalye?
 Ah, tama, maglalabas ako ng album
 At ang titulo nito ay "Prototype"
 Bakit "Prototype"? (Ah)
 Robot ka ba? (Ay, hindi, hindi)
 Makina? (Hindi rin)
 De-langis? (Ay, hindi, hindi, hindi)
 Ah, kasi ano, ah...
 De-gasolina? (Kaya "Pro-", hindi, hindi)
 Kaya "Prototype", kasi 'di ba, ang prototype
 Is an early sample or model built to test a concept
 Or to act as a things to be replicated or learnt from (ha, ano daw?)
 Hindi, ah, ganito na lang
 Ah, parang sinubukan ko lang na gumawa ng album ngayon
 At ito panimula ko
 Magmula sa mga solo kasama pati kulabo
 Wala namang balak magpayaman kasi malabo
 'Yan sa rap na para bang mga mantika sa lababo
 Madulas, bawat awit pambili ko ng de-lata
 'Di ba, nakakahiya kung bibili ka ng pirata?
 Dahil sa gabi, nagpupuyat, masulat ko lang 'to
 Para inyo nang malaman sa ngayon at matanto
 Na maraming mga bagay ang 'di mo napupuna
 Hindi lang 'to payabangan na kung sino nauuna
 Hindi 'to 'yung payamanan, dapat na nga matuto ka
 Na kumahig at kumabig para mayro'ng matutuka
 Ito ang musika, 'di ko 'to ginagawa lang
 Parang lantarang pagyayabang, hinahanap ko ang pag-asang
 Tayo'y maggagalangan kahit na nag-aalangan
 Na hinawakan ang mikropono, handa na sa pagsalang
 Kaya sakto sa tiyempo, nasa 90 ang tempo
 Sinasabay ko sa metro ang isipang nakasentro
 Sa mga bago kong kuwento, isang malalim na pagbuwelo
 At ako nga pala si Dello
 

Audio Features

Song Details

Duration
01:57
Key
5
Tempo
77 BPM

Share

More Songs by Dello

Albums by Dello

Similar Songs