Parating Palayo - Spoken Word

2 views

Lyrics

Nagmahal ako minsan ng mga paa na parating naglalakad papalayo
 Ng mga sigarilyong nagkokorteng bagong tasang lapis
 Ng buhok na animo'y kurtinang hinahangin sa kanyang mga mata
 Ng mga mata na sumisingkit sa mga titig sa pahina ng libro
 Nagmahal ako ng boses na wala man sa tono ay awit sa pandinig
 Ng mga damit na ulap sa kanyang balikat
 Pangarap liparin ng puso sa madilim na kakahuyan
 Ng kanyang mga kinikimkim na maligno
 Nagmahal ako ng mga paa na parating naglalakad papalayo
 Waring dinidipa ng mga sapatos ang kanyang kwento sa sahig
 At kung babaybayin ko ang kanyang mga dinaanan ay binabasa ko s'yang muli
 At 'pag narating ko ang minsan naming naging tagpuan
 Tutuldukan ko ang pangungusap na ito ng halik
 Alam kong 'di na s'ya makababalik
 Kaya ako nang magsusulat ng mga alaalang pwede ko pa ring puntahan
 'Pinagpapaalam ko na, ang ilan dito ay maaaring mga kasinungalingan
 Pero hindi ko sasabihin kung alin
 Makasarili tayo minsan sa pagpili ng mga isusulat na alaala
 At ganito ko s'ya gustong alalahanin
 Sa ganitong paraan ko lang s'ya maaangkin
 

Audio Features

Song Details

Duration
01:52
Key
11
Tempo
117 BPM

Share

More Songs by Juan Miguel Severo

Similar Songs