Ayos Lang

3 views

Lyrics

Nais kong matulog ngunit 'di makatulog
 Sa pag-iisip, ang utak ko'y nabubugbog
 Pahamak na pag-ibig 'to, ako'y gulong-gulo
 Tumatakbo ang oras ngunit gising pa rin ako
 Nais kong mag-sound trip ngunit brownout nga pala
 Buwisit na ilaw 'to, dumagdag pa sa problema
 Kundi lang dahil sa kanya, ngayon ay masaya
 Minsan lamang kung ma-in love, wala pang pag-asa
 Ayos lang, kahit pa nasasaktan ang puso ko
 Kung sino pa'ng minamahal, s'ya pa ang ayaw sa 'yo
 Totoong problema, ngingiti na lang ako
 Kung sino pa'ng minamahal, s'ya pa ang ayaw sa 'yo
 ♪
 Nais kong mag-beer house ngunit kulang ang pera
 Kaya't nagkakape na lang, dagdag pa sa kaba
 Tutal wala namang dapat akong ikatakot
 Dahil darating din ang araw, s'ya'y aking malilimot
 Hindi man s'ya nakuha, sa iba ay tsa-tsamba
 Basta't ako'y bahala na, malimot lang siya
 Nais kong matulog ngunit 'di makatulog
 Sa pag-iisip, ang utak ko'y nabubugbog
 Pahamak na pag-ibig 'to, ako'y gulong-gulo
 Tumatakbo ang oras ngunit gising pa rin ako
 Ayos lang, kahit pa nasasaktan ang puso ko
 Kung sino pa'ng minamahal, s'ya pa ang ayaw sa 'yo
 Totoong problema, ngingiti na lang ako
 Kung sino pa'ng minamahal, s'ya pa ang ayaw sa 'yo
 Ayos lang, kahit pa nasasaktan ang puso ko
 Kung sino pa'ng minamahal, s'ya pa ang ayaw sa 'yo
 Totoong problema, ngingiti na lang ako
 Kung sino pa'ng minamahal, s'ya pa ang ayaw sa 'yo
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:14
Key
7
Tempo
134 BPM

Share

More Songs by Siakol

Albums by Siakol

Similar Songs