Biyaheng Impyerno

3 views

Lyrics

Bakas sa 'king isipan ang bisyong pinasukan
 'Di ko maliwanagan, ako'y nalalabuan
 Mantiya sa katauhan, ligayang maiwasan
 Habang tumatagal, lalong sasabayan
 Nais mang bumaba, tuloy-tuloy pa rin
 Nais mang pigilan, hayaan nang hanapin
 Saan 'to patutungo? Daang bako-bako
 Ayoko nang gan'to, biyaheng impiyerno
 Mama, para, d'yan lang sa tabi
 D'yan lang sa tabi, ngunit bakit 'di ko masabi?
 Bakit 'di ko masabi na ako ay bababa?
 Ako ay bababa 'pag bumaba na ang aking tama
 ♪
 Mula nang magkaisip ay aking iniisip
 Kung ba't ang nangyayari, 'di ko lubos maisip
 Hindi ko malaman kung ito'y panaginip
 Gisingin n'yo ako, sino ang sasagip?
 Nais mang bumaba, tuloy-tuloy pa rin
 Nais mang pigilan, hayaan nang hanapin
 Saan 'to patutungo? Daang bako-bako
 Ayoko nang gan'to, biyaheng impiyerno
 Mama, para, d'yan lang sa tabi
 D'yan lang sa tabi, ngunit bakit 'di ko masabi?
 Bakit 'di ko masabi na ako ay bababa?
 Ako ay bababa 'pag bumaba na ang aking tama
 ♪
 Mga laking kalye, istambay sa gabi
 Mga walang trabaho, walang gawang mabuti
 Siksikan na kami, tuloy pa rin ang biyahe
 Suko na 'ko dito, bayad na 'ko, pare
 Nais mang bumaba, tuloy-tuloy pa rin
 Nais mang pigilan, hayaan nang hanapin
 Saan 'to patutungo? Daang bako-bako
 Ayoko nang gan'to, biyaheng impiyerno
 Mama, para, d'yan lang sa tabi
 D'yan lang sa tabi, ngunit bakit 'di ko masabi?
 Bakit 'di ko masabi na ako ay bababa?
 Ako ay bababa 'pag bumaba na ang aking tama
 Mama, para, d'yan lang sa tabi
 D'yan lang sa tabi, ngunit bakit 'di ko masabi?
 Bakit 'di ko masabi na ako ay bababa?
 Ako ay bababa 'pag bumaba na ang aking tama
 Mama, para, d'yan lang sa tabi
 D'yan lang sa tabi, ngunit bakit 'di ko masabi?
 Bakit 'di ko masabi na ako ay bababa?
 Ako ay bababa 'pag bumaba na ang aking tama
 ♪
 Hoy!
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:10
Key
2
Tempo
152 BPM

Share

More Songs by Siakol

Albums by Siakol

Similar Songs