Ituloy Mo Lang

6 views

Lyrics

Noong bata ka pa, si Darna ang ginagaya
 Minsan nama'y nagbebestida
 Maging sa laruan, manika ang napag-trip-an
 Ayaw mo ng baril-barilan
 'Di ka nila sinasali
 Hindi ka raw tunay na lalaki
 Gusto ng tatay mo na ika'y magsundalo
 Pero babae ang puso mo
 Kahit lunurin ka, wala ring napala sila
 No'ng sabi mong ika'y sirena
 'Wag kang mag-alala
 Matatanggap ka rin nila
 At kahit na ano pa ang gusto mo
 Basta wala ka pang tinatapakan na tao
 Ituloy mo lang ito
 Ang mahalaga, ikaw ay masaya
 'Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba
 Sila ang may problema
 ♪
 Walang pumapansin sa natatangi mong galing
 Mas madalas ka pang laitin
 'Pinapakita mo na may silbi ka sa mundo
 Ngunit walang rumerespeto
 Lagi na lang isipin
 Sila na lang ang unawain
 At kahit na ano pa ang gusto mo
 Basta wala ka pang tinatapakan na tao
 Ituloy mo lang ito
 Ang mahalaga, ikaw ay masaya
 'Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba
 Sila ang may problema
 ♪
 'Wag kang mag-alala
 Matatanggap ka rin nila
 At kahit na ano pa ang gusto mo
 Basta wala ka pang tinatapakan na tao
 Ituloy mo lang ito
 Ang mahalaga, ikaw ay masaya
 'Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba
 Sila ang may problema
 At kahit na ano pa ang gusto mo
 Basta wala ka pang tinatapakan na tao
 Ituloy mo lang ito
 Ang mahalaga, ikaw ay masaya
 'Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba
 Sila ang may problema
 Silang lumalait, silang mahilig manakit
 Sila'ng 'di pupunta sa langit
 Silang nanglalait, silang mahilig manakit
 Sila'ng 'di pupunta sa langit
 

Audio Features

Song Details

Duration
05:39
Key
9
Tempo
151 BPM

Share

More Songs by Siakol

Albums by Siakol

Similar Songs