Lakas Tama

3 views

Lyrics

Bulag ang pagibig kasabihan na sa atin
 Ngunit para sayo ang pag-ibig ko ay duling
 'Pagkat dalawang beses ako sa 'yo may pagtingin
 Kay-tindi ng 'yong dating sa puso't damdamin
 Sa tunay kong pagmamahal natotorpe sa 'yo
 Mukhang pinasukan ng daga ang puso kong bato
 Dahil alam ko rin walang ibubunga ito
 Natatakot akong mawala ang isang katulad mo
 Lakas tama ako'y nawawala
 Nawawala ang isip ko 'pag nakikita ka sinta
 Lakas tama ako'y nawawala
 Nawawala ang isip ko 'pag nakikita ka sinta
 ♪
 Mga kamay ko ay nanginginig na sa iyo
 Na makayakap ka sa tuwing giniginaw ako
 At ang iyong labi na sa 'kin ay tumutukso
 Kailan mahahagkan ng matapos na ang gulo
 Sa pagputi ba ng uwak mo ako sasagutin
 Kung ang kulay ko nga ay kay hirap paputiin
 Ipagpatawad mo na lang kung agad kang mahalin
 Gan'to ako kung umibig medyo napapraning
 Lakas tama ako'y nawawala
 Nawawala ang isip ko 'pag nakikita ka sinta
 Lakas tama ako'y nawawala
 Nawawala ang isip ko 'pag nakikita ka sinta
 ♪
 Lakas tama ako'y nawawala
 Nawawala ang isip ko 'pag nakikita ka sinta
 Lakas tama ako'y nawawala
 Nawawala ang isip ko 'pag nakikita ka sinta
 Lakas tama ako'y nawawala
 Nawawala ang isip ko 'pag nakikita ka sinta
 Lakas tama ako'y nawawala
 Nawawala ang isip ko 'pag nakikita ka sinta
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:29
Key
11
Tempo
138 BPM

Share

More Songs by Siakol

Albums by Siakol

Similar Songs