Alay Lakad (Kahit Pano)

8 views

Lyrics

Lahat ng mga 'to ay alay ko sa mga nagbigay
 Ng pagkakataon upang kahit pano'y mabuo
 Ang aking panaginip sa tagal kong nag hintay
 Lumipad patingala, naglakad ng payuko
 Tagumpay na wala sa narating, nasa pinagmulan
 Dahil sa mga tulad nyong laging nasaking likuran
 Kasama ko noon at nakasama ko ngayon
 Na nagtanim hanggang magbunga, pag hinog ng panahon
 ♪
 Lahat ng mga 'to ay aking inaalay sa lahat
 Ng mga taong tumulong sa akin upang mabuo
 Bawat detalye sa kasaysayan ng aking alamat
 Naging pataba nung ako'y binhi pa lang na patubo
 Hindi man naging madali, pilit kong sinubukan
 Kahit napakaraming mali hindi ko sinukuan
 Maging maayos sa labas ng aming tahanan na wasak
 Bilang pangkaraniwang kuya at panganay na anak
 Ito'y para sa kanila kay Mama, kay Papa at mga kapatid
 Kong naron at naririto
 Lagas man o sagana, patuloy na umasa
 Hiwa-hiwalay man tayo'y binuo ko ang sarili ko
 At saking lola na nag-tyaga upang mapaayos
 Ang aking kinabukasan
 Kahit 'di man nakatapos ng aking pag-aaral ay natuto din ako
 Yung apo mong pinalaki ng maipagmalaki mo
 Pati ng mga 'di naging madamot saking kaibigan
 Nung wala ako't nandyan sila upang malapitan
 Mga taga suporta na nag-aabang ng bago
 Na saludo lang palagi sa mga nagagawa ko
 Mga taong nagtiwala at 'di hinusgahan
 Ang pwede ko pang marating sa dami ng pinuntahan
 Sapagkat kilala nyo talaga kung sino ako
 'Di ko man maisa-isa alam nyo kung sino kayo Salamat!
 Kulang pa lahat ng 'to, para mabatid ang pasasalamat ko
 Ngunit ganun pa man sana'y inyong tanggapin, kahit pano! Kahit pano!
 Lahat ng mga 'to ay aking inaalay sa mga
 Mga taong nun pa ma'y tumanggap sakin ng buo
 Yung mga araw na wala pang kasikatan na dala
 Nagdilig ng pagkalinga nung panahon ng tag-tuyo
 Lalo na sa aking asawa na kasama kong nangarap
 Anumang makasalubong hinarap naming magkayakap
 Sumuporta ng higit sa paghanga sapagkat
 Subok na tayo kahit "Ikaw Ako" laban sa lahat
 At saking anak na lalong nagpalinaw ng daan
 Sa buhay at tungkuling mas dapat kong gampanan
 Na nagbibigay rason kung bat ako humihinga
 Dahil sayo lahat sakin ay hindi pwe-pwedeng huli na
 Alay ko sa inyo 'nak ang lahat ng mga 'to
 Pagdamutan nyo na kung anumang aking mabigay
 Anuman ang mangyari sa paglalakbay na 'to
 Sabihin mo sa Mommy mo mahal kayo ni Daddy Bry
 Lalong lalo sa taas, bilang pasasalamat sa talino at lakas
 Upang maging karapat-dapat
 Kung wala ka Diyos Ama, ang lahat ng mga
 Pasanin ko't dala, 'di ko kinaya mag-isa
 Makasalanan man ako'y pinagpala mo pa rin
 Ang aking mga musika maging biyaya sa iba
 Maging inspirasyon, ayon sa kaloobang na sayo
 Bilang isa sa mga espesyal na Obra-Maestra mo, sa Lupa!
 Kulang pa lahat ng 'to, para ihinto ko ang mga lakad ko
 Anuman dumating handa ko ng harapin
 Kahit pano! Kahit pano!
 Lahat ng mga 'to ay alay ko sa akin pabalik
 Kahit anuman mabigay ko ay handa kong tanggapin
 Dahil sa tagal kong nainip at nanabik
 Parang gusto kong apiran sarili ko sa salamin
 Habang sinasabi kong para sakin karangalan
 Maging isang Smugglaz ang dati na si Bryan
 Panindigan mo na, naiintindihan kita
 Sindihan mo na, baka masindihan pa ng iba
 Panindigan mo na, naiintindihan kita
 Sindihan mo na, baka masindihan pa ng iba
 Panindigan mo na, naiintindihan kita
 Sindihan mo na, baka masindihan pa ng iba
 ♪
 Kahit pano! Diba
 Kahit pano! Diba
 
 Kahit pano! Diba
 Kahit Pano!
 Kulang pa lahat ng 'to, para mabatid ang pasasalamat ko
 Ngunit ganun pa man sana'y inyong tanggapin
 Kahit pano! Kahit pano!
 Lang pa lahat ng 'to, para ihinto ko ang mga lakad ko
 Anuman dumating handa ko ng harapin
 Kahit pano! Kahit pano!
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:42
Key
7
Tempo
86 BPM

Share

More Songs by Smugglaz

Albums by Smugglaz

Similar Songs