PML

9 views

Lyrics

Sa pagmamahal, 'wag mong bibitawan
 Ang alam mong 'di mo kaya
 Na makita na hawak ng iba o pabayaang mawala
 Mga regalo mo sa buhay
 Na 'di mo man lang nabigyan ng pagpapahalaga
 'Wag mong hayaan ang kasalukuyan na lumipas sa walang katuturan
 Dahil ang isang minsan na sayo'y nakalaan
 Kapag naging nakaraan kailan man ay 'di mo na mababalikan
 Dahil ang isang minsan na sayo'y nakalaan
 Kapag naging nakaraan kailan man ay 'di mo na mababalikan
 Dahil ang isang minsan, dahil ang isang minsan
 Ilang gabi ng 'di mapakali sa tabi bakit 'di maiwasan
 Pagulungin dito saking pagiisip at isabay sa maginaw na
 Pag-ihip ang mga nararamdamang takot sa
 Da-da-dam-dam-dam-damdamin ko, e-e-e-e-wan ko
 Masakit man na makita na ako ang dahilan
 Ng mga luha't kalungkutan mo sa bawat lumilipas
 Na panahon na tayo'y magkasama man o hindi, hindi ko maiiwas na
 Na hindi kita mabigyan ng sama ng loob sa tuwina na (sa tuwina na)
 Magkakamali ang pagkakamali ko lang
 Mahal naman kita
 'Di ko lang maipadama sa paraan na
 Malalaman mong tunay kang mahalaga
 Panghawakan mo lang lagi ang pag-ibig
 Na minsan din nating pinagsaluhan lulan
 Ng pagsuyo kung kay tamis
 'Wag na 'wag mong isuko (woah)
 Ang mga nasimulan nating saya na dala ng mga
 Ala-alang ginto nating da-da-da-dala-dalawa
 Mga pag-aalaga at mga pag-uunawa rin
 'Di mo tinipid sa 'di ko man batid na pakikisama't pakikitungo sa 'king tabi
 Di-di-di-dispensa sa palaging 'di pagiging 'di aktibo ng utak ko
 Makaisip ng tama't mga dapat na gawin sa tuwinang binabalot na naman
 Ng lungkot at poot, ang sagot ay ano tanong din?
 Sadyang sa dami ng mga sablay 'di ko na alam kung pa'no pa gagamutin
 Subalit, ano man ang iniisip mo
 Lagi lang panghawakan na ikaw padin
 Ang pinangarap at pangarap
 Kung babae na binigay sa akin ng katuparan
 Kaya 'wag mo'ng isuko ang pagsubok na 'to
 'Di ko kayang mawala ka pa sa buhay ko
 Panghawakan mo lang lagi ang pag-ibig na
 Minsan din nating pinagsaluhan lulan
 Ng pagsuyo kung kay tamis
 'Wag na 'wag mong isuko (woah)
 Ang mga nasimulan nating saya na dala ng mga
 Ala-alang ginto nating da-da-da-dalawa
 Di-di-di-di-dito sa pagmamahalan na-na-na-nating da-da-da-dalawa
 'Di ko man isa-isa na maikumpis
 Ang aking mga kalabisan at kakulangan
 Panghawakan mo lang lagi ang aking pagmamahal na dinaan
 Sa bukod tanging na awit na sa 'yo lamang nilaan
 Hayaan mong panuorin pabalik ang mga naglaho kalakip na
 Mero'ng isang bago na simulain asahan na gano'n pa rin
 Ang lahat satin, kahit na ilang ulit balibaliktarin
 Kahit na ilang ulit balibaliktarin ang lahat satin asahan na gano'n pa rin
 Aanurin pabalik ang mga naglaho kalakip na mero'ng isang bago na simulain
 Panghawakan mo lang lagi ang aking pagmamahal na
 Dinaan sa bukod tangi na awit na sa 'yo lamang nilaan
 'Di ko man isa-isa na maikumpisal
 Ang aking mga kalabisan at kakulangan
 Di-di-di-di-dito sa pagmamahalan na-na-na-nating da-da-da-dalawa (huh)
 Panghawakan mo lang lagi ang pag-ibig
 Na minsan din nating pinag saluhanlulan
 Nang pagsuyo kung kay tamis
 'Wag na 'wag mong isuko (woah)
 Ang mga nasimulan nating saya na dala ng mga
 Ala-alang ginto nating da-da-da-dalawa
 Panghawakan mo lang lagi ang pag-ibig
 Na minsan din nating pinagsaluhan lulan ng pagsuyo kung kay tamis
 'Wag na 'wag mong isuko (woah)
 Di-di-di-di-dito sa pagmamahalan
 Na-na-na-nating da-da-da-dalawa
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:00
Key
5
Tempo
145 BPM

Share

More Songs by Smugglaz

Albums by Smugglaz

Similar Songs