Nakakamiss

8 views

Lyrics

Na-na-na-na, na-na-na-na
 Na-na-na-na, na-na-na
 Na-na-na-na, na-na-na-na
 Na-na-na-na, na-na-na
 Madaming nangyari, taon ang binilang
 Ka-jamming, kumpare, napapangiti lang
 Ngayon, naalala, maulit 'yun sana
 Nakaka-miss lang kasi
 Hindi ko mapigil ang mga ngiti ko
 'Pag naaalala mga bagay na 'to
 Kay sarap balikan, tamis na nagdaan
 Nakaka-miss lang kasi
 Sa tagal ng panahon
 Kamusta ka na ba? Kamusta na ba siya?
 Ano ba ang lagay ng ibang tropa ngayon?
 Inuman, kulitan, harutan, asaran
 Nakaka-miss lang kasi
 Kamusta ka na ba, Smugg? (Okay lang naman, Curse)
 (Kamusta ka na ba, Curse?) Okay lang naman, Smugg
 Salamat at nakagawa na naman tayo ng isa na namang kanta
 Na 'di lang makapagbagbag-damdamin
 Kundi pagbabahagi din ng bawat pangyayari
 Sa mga buhay nating nadagdag
 Kahit na hindi na tayo tulad pa ng dati na laman ng kalye
 Dahil mga oras natin, maluwag
 Oo nga, eh, sana kung puwede lang tayong lahat
 Ay bumalik sa ating nakaraan
 Makikita mo ang mayro'n na wala na sa ngayon
 Mga bagay-bagay no'n na 'di na puwedeng balikan
 Nakulayang ganda (ang sarap pagmasdan)
 Nakulayang ganda (ng mga nagdaan)
 Sa likod ng nilakaran ko (na dala ng kapalaran ko)
 Bakas sa mga araw (sa 'king mga karanasan ay natutunan ko)
 Ang tama at mali, teka, sandali
 Kamusta na kaya 'yung iba?
 'Yung iba, sikat na, 'yung iba, angat na
 'Yung iba, may mga anak na
 Sana naman, tayo'y 'di magkalimutan
 Ano man ang mangyari, kapatid o pare
 Ilang ulit man na madapa, tuloy lang
 Sa mga pangarap natin
 Kahit ano pa mangyari ay 'wag kayong bumitaw
 Mga pangarap natin bukas
 Sa tagal ng panahon
 Kamusta ka na ba? Kamusta na ba siya?
 Ano ba ang lagay ng ibang tropa ngayon?
 May kanya-kanyang buhay na, sana palagi kayong masaya
 Nasaan man o ano man ang ginagawa niyo
 Sana'y laging maalala niyo noon kung ano'ng tayo
 Minsan naman, minsan naman
 Inuman, kulitan, harutan, asaran
 Nakaka-miss lang kasi
 Kumusta ka naman, Dells, okay ka naman ba?
 Okay naman, Flict, laging click mga rampa
 Daming nagpa-pic, mga chick na maganda
 Bigla ko lang na-miss, makulit na alaala
 Samahan ng mga tropa sa may puno ng makopa
 Uso no'n ang taguan, wala pang games, mga Dota
 Tagayan, sabay ang hagikgik, mga tawa
 Kaya para bang ngayon ay nasabik makasama
 Kasi naalala ko ang katambayan sa looban
 Kasabwat sa lahat ng paggawa ng kalokohan
 Pero mayro'ng damayan sa problemang kaharap
 Masarap, may kadamay, gumaan ang kalooban
 Naranasan ko noon, teka, nasa'n na ba 'yon?
 Panahon, tayo no'n, tila ba nasa balon
 Na punong-puno ng alak, hawak natin ang timba
 Nangingiti ako kasi na-miss ko 'yun bigla
 (Eh, ikaw naman, Flict?) Uy, Dello
 (Para bang malalim iniisip mo?)
 Ha? Oo nga, 'di ko lang talaga mapigilan
 Na isipin ang mga bagay na 'to (ang alin?)
 'Yung sana maulit natin ang mga panahon
 Na dati, wala pang kamalay-malay sa mga
 Bagay-bagay na nagdudulot ng kalungkutan sa isa't isa
 Walang hanggang pag-ibig
 Tanging laro ang hilig
 Mga kabataan na naglalakbay
 Sa hardin na puno ng himig
 Nangangarap na lahat ng bituin
 Ay mahawakan ng aking mga kamay
 At ang mga kabiguan, agad kalimutan
 Sa agos ng buhay ay ipatangay
 Sa tagal ng panahon
 Kamusta ka na ba? Kamusta na ba siya?
 Ano ba ang lagay ng ibang tropa ngayon?
 May kanya-kanyang buhay na, sana palagi kayong masaya
 Nasaan man o ano man ang ginagawa niyo
 Sana'y laging maalala niyo noon kung ano'ng tayo
 Minsan naman, minsan naman
 Inuman, kulitan, harutan, asaran
 Nakaka-miss lang kasi
 Madaming nangyari, taon ang binilang
 Ka-jamming, kumpare, napapangiti lang
 Ngayon, naalala, maulit 'yun sana
 Nakaka-miss lang kasi
 Kahit ano mang mangyari, 'wag kayong bumitaw
 Hangga't hindi niyo pa abot lahat ng tala sa taas
 Dahil, dahil nakaka-miss lang kasi
 Hindi ko mapigil ang mga ngiti ko
 'Pag naaalala mga bagay na 'to
 Kay sarap balikan, tamis na nagdaan
 Nakaka-miss lang kasi
 Sige lang, tuloy-tuloy, tuloy lang
 Sana'y palaging nasa mabuti kayo
 Nakaka-miss lang kasi
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:31
Key
6
Tempo
125 BPM

Share

More Songs by Smugglaz'

Albums by Smugglaz'

Similar Songs