Magandang Umaga (feat. Jhon Quizon)

6 views

Lyrics

Magandang umaga po (magandang umaga)
 Magandang umaga sa'yo, sa akin, sa kanya, sa kanila, sa inyo at kahit kanino-man
 Halika bangon na mula sa pagkakahimbing sa kahapon
 Gumising sa kasalukuyan at dalhin ang mga pabaon
 Na aral sa mga bangungot, iwanan ang mga sakit
 Simula na managinip ng hindi nakapikit
 Tara sa unang pagdilat ng ating mga mata ay magdasal kaagad sa may kapal
 Magpasalamat sa 'yong pagkahimbing nagising kapa't almusal ang kanyang pagmamahal
 Humingi ng tawad sa mga kasalanan na panay at humingi ng patnubay na sa'tin ay gagabay (gagabay)
 Sa maghapong dahil ano mang kailangan ay kanyang ibibigay
 Kung ang Diyos ay sa sentro ng buhay mo nakalagay
 Parang kapeng mainit lamang
 Dahan-dahanin mga galawa't desisyon habang
 Alalahanin mong hindi ka na bubuhay na para sa sarili lamang
 Bawat isa'y may pananagutan sa kapwang nakaatang
 Yan ang dapat tandaan
 Bago lumabas ng bahay estudyanteng may trabaho o kahit na mga tambay
 Tulad ko, tulad niyo na sa akin naghintay din ako sa aliwalas ng bukang liwayway
 Gising na, umaga na
 Umpisa na nang panibagong simula
 'Wag mong hayaan na 'di ka makabangon
 At manatili na lamang sa kahapon
 Buksan mo na ang pintuan papasokin ang grasya
 Ang isang araw ay isipin kung paano mapagkakasya
 Sa lahat ng gusto mong gawin alin man sa mga pangarap mo ngayon ang gusto mong tuparin
 Ipunin lamang ang mga inspirasyon
 Bilang panggatong sa apoy ng mga pag-asa mong liwanag saan mang dakong maligaw
 Na wala kang dapat ikatakot salubungin ng ngiti mga sitwasyong nakasimangot
 Maging palabati palagi kahit kanino nang magandang umaga na parang tatak lang ng pingpong
 Mismo, sulitin mo na ang oras magmahal, magpatawad, mangarap na parang walang bukas sapagkat
 Ang hinaharap, ngayon ginagawa wala nagkanilaga ng 'di tsinatiyaga
 Kaya maging mabuti dahil ang positibong isip ay bintana ng mga biyayang hindi mo na sisilip kaya
 Gising na, Umaga na
 Umpisa na ng panibagong simula
 'Wag mong hayaan na 'di ka makabangon
 At manatili na lamang sa kahapon
 Gising na, umaga na
 Umpisa na ng panibagong simula
 Kung sa'n pwede maging masaya o malungkot
 At matuwid ang mga naging baluktot
 Sa muling pagputok ng araw ay sumabog ang liwanag
 Ang nakakabinging katahimikan ng dilim binasag ng sigaw
 Mula sa pag-asa ng mga taong na sinimulan sa sarili ang hangad na pagbabago
 Nanatiling malakas, matatag, masaya sa kabila ng mga bigat nila na dala
 Ako ma'y maraming enerhiya, oras naring sinayang
 Ngunit imbes manghinayang lalong nagpahalaga
 Tulad niyo rin
 Kaya manalangin ng may pananalig
 Pati patong mga talong ay muli karing kakamig balang araw
 Pagdating nang panahon, pag-isipan mo lamang ang lakas sa labas ng kahon
 Dahil nasan ka man ngayon, nanggaling kami diyan
 Kaya wag ka lang mawawalan ng dahilan para umasa at muling umasa
 Ano mang pangit ng iyong gabi, bukas may magandang umaga pa rin
 Gising na (diba), Umaga na (naman)
 Umpisa na ng panibagong simula (uh, uh)
 'Wag mong hayaan na 'di ka makabangon
 At manatili na lamang sa kahapon
 Gising na, umaga na
 Umpisa na ng panibagong simula
 Kung sa'n pwede maging masaya o malungkot
 At matuwid ang mga naging baluktot
 Magandang umaga po (magandang umaga)
 Magandang umaga sa'yo, sa akin, sa kanya, sa kanila, sa inyo at kahit kanino-man
 Magandang umaga po (magandang umaga)
 Magandang umaga sa'yo, sa akin, sa kanya, sa kanila, sa inyo at kahit kanino-man
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:41
Key
6
Tempo
99 BPM

Share

More Songs by Smugglaz'

Albums by Smugglaz'

Similar Songs