Wag Kang Ganyan (feat. Yumi)

8 views

Lyrics

Simple lang
 Kung pwede naman
 Simple lang
 Kung pwede naman
 Isang umaga na naman akong gumising
 Nang hindi ko kayo katabi
 Saka na lang namalayang tanghali na pala
 Napuyat kakaisip ko kagabi
 Maghapong tulala at nanghihinayang
 Sa lumipas na nakaraan
 Na nalason na ng iba't ibang dahilan
 Hanggang sa nawalan na ng paraan
 Paraan na ayusin kung sinong naguguluhan
 Tayo lang ang magtutulungan
 Diba't ayan ang turo sa atin ng iyong Ina?
 Ba't na tayo nagtuturuan?
 Kung sino bang dapat managot
 Sa lahat ng ito at umako ng sisi
 Kahit na mabulag, mabinge't, mapipi
 Sige ako na, gano'n lamang kasimple
 Alam ko na hindi gano'n kadali
 Pero alam ko naman na pwede mangyari
 Kung dalawa tayong lalaban
 Sabay kahit sablay ko'y napakarame
 Subalit ngayon ang kapit mo d'yan
 Masyado ng nahigpitan
 Pinaliwanag ko na ang lahat
 Wala ka pa din atang naintindihan
 'Wag kang ganiyan
 Dahil hindi ka naman ganito
 Pilit kong pinaunawa sa iyo
 Pero mas pinili mo na malito
 'Wag kang ganiyan
 Dahil hindi ka naman ganito
 Pilit kong pinaunawa sa iyo
 Pero mas pinili mo na malito
 Simple lang naman ang nais kong sabihin sa puso mo't isipan
 'Wag mo muna akong sabayan kung pwede
 'Di lang tayo magkakarinigan
 Kung pwede naman, pwede na 'yan
 Sapat na ang mga pagkakamali
 Ang akin lang naman sana ay...
 Madaling araw na namang naalimpungatan
 Hirap makatulog ulit
 Ayaw mapanaginipan ang pangit na mukha
 Na nakikita sa pagpikit
 Sayang lang at 'di mo naunawaan
 Ang mga nais iparinig
 Ang bulong ng puso ko sa gitna ng ingay
 Ng mga nagsisigawang bibig
 Natin na ayaw patalo subalit sa dulo panalo ka pa
 Kung alam mong nasa katwiran ka pa
 Para gumanyan sakin, masyado ka na
 Kalooban ko ay ibinaba
 Habang paningin mo'y nakatingala
 Malabong makita mo 'to
 Bale merong pag-asa man sakin ay balewala
 Kaya nga heto na tayo sa puntong hindi ko hinangad
 Sapagkat ikaw ang lang siyang kong lakas at kahinaan
 'Di ko inasahang sagad mo lahat na ipapadama
 Lahat ng mga sakit na dapat kong maramdaman
 Dahil ang tama at mali'y 'di na umiiral pa sating mga karapatan
 'Wag kang ganiyan
 Dahil hindi ka naman ganito
 Pilit kong pinaunawa sa iyo
 Pero mas pinili mo na malito
 'Wag kang ganiyan
 Dahil hindi ka naman ganito
 Pilit kong pinaunawa sa iyo
 Pero mas pinili mo na malito
 Simple lang naman ang nais kong sabihin sa puso mo't isipan
 'Wag mo na muna akong sabayan kung pwede
 'Di lang tayo magkakarinigan
 Kung pwede naman, pwede na 'yan
 Sapat na ang mga pagkakamali
 Ang akin lang naman sana ay...
 'Wag mong hayaan na mawala lang basta ang ating pagmamahalan
 'Di na ba mahalaga sa'yo ang lahat ng ating mga pinagdaanan?
 Makinig ka sakin at aayusin natin ang lahat-lahat
 Pwede bang 'wag kang ganyan? Pwede bang 'wag kang ganyan?
 Makinig ka naman dahil para sumagot sa akin lalo kung hindi patanong
 Ang aking sinasabi dito sa larong sino man ang mataya, balagong
 Alam kong kahit na pangunahan ka pa ay wala huli na ko pagkat
 Minanipula mo ang aking kapalaran hanggang sa maging kumplikado lahat
 Masakit man at yun ang totoo 'di man maipagtapat
 Ang mga rason at batayan na alam mong satin ay 'di pa sapat
 Para kinabukasan ay maisara yung kahapon ng mag-iba ka
 Na parang aswang sa ilalim ng buwan na bilog halos 'di na kita kilala
 Binigay ko ang lahat sayo kahit kapalit sakin ay halos wala
 Kasi mahal kita gusto mo pa ba na akong masiraan, umayos ka nga
 'Wag kang ganiyan, 'wag kang ganiyan
 Dahil hindi ka naman ganito
 Pilit kong pinaunawa sa iyo
 Pero mas pinili mo na malito
 Simple lang naman ang nais kong sabihin sa puso mo't isipan
 'Wag mo na muna akong sabayan kung pwede
 'Di lang tayo magkakarinigan
 Kung pwede naman, pwede na 'yan
 Sapat na ang mga pagkakamali
 Ang akin lang naman sana
 Ay marinig ang aking tinig na nagsasabing mahal kita
 'Wag kang ganiyan
 

Audio Features

Song Details

Duration
05:04
Tempo
150 BPM

Share

More Songs by Smugglaz'

Albums by Smugglaz'

Similar Songs