Walking Distance (feat. Ashley Gosiengfiao)

6 views

Lyrics

Walking distance lang
 ♪
 Pangarap ko na noong maliit pa kung sino ako paglaki
 Kaya nagbilang pa 'ko ng ilang umaga at gabi
 Bago ako umabot sa 'king tinatapakan
 Aking pinagdaanan ay hindi naging madali kasi
 Tila simputik ng Divisoria ang guhit ng aking istorya
 Sa ginampanan kong papel na bumago sa 'king pagkatao
 Bawat hakbang sa daan parang hagdan-hagdang palayang
 Kung tinaniman ko ng sanhing nagbunga ng maraming pagbabago
 Nangapa ko sa dilim kung saan halos pikit mata ako
 Na namulat sa makabulag na mundong dikit na sa
 Pangalan ko ang lugar kung saan ko sinimulan
 Ang mga ipinagpatuloy na hindi ko hinintuan
 Mula sa kanto ng Delpan hanggang sa buong mundo
 Sa bawat kurdon ng mic, mapadaloy ang pagkadugong tondo
 Sa 'king ugat ay isa lang naman sa 'king mga hangad
 Na ang katuparang sana'y makasalubong sa paglalakad
 Naglakbay, taglay ang talento n'yang bigay
 Nagpakapasaway kung saan tahimik nag-ingay ako
 Hanggang makilalang taga sa'min na dating pambato
 Na umalis nawala naglayas
 Nag-lakad hanggang sa maging pandayo-blada
 Lakad, lakad, lakad, lakad, lakad lang nang lakad
 Lakad, Lakad, lakad, lakad, lakad lang nang lakad
 Sige, lakad lang kahit ikaw na lang mag-isa
 'Wag mo sabayan ang alon, ikaw ang magdikta
 Salungatin, anumang dumating, basta 'wag hihinto sa lakad
 Kahit aking uliting ukitin muli mga guhit ko sa palad
 (Sige, lakad lang) Makulay man ang mundo'y ginawa ko lang puti't itim
 Ang pagtingin ko na mapansin ko ang liwanag at dilim
 Sa bawat anggulo ng buhay, 'di man ma-explica
 Ang larawan ng kinabukasan, mas lalong na-inspira
 Na i-balanse ang mga aral at leksyon na nakatago
 Sa mga naranasan kong masama't mabuting magkahalo
 Naligaw na 'ko, nawala hanggang natutong lumugar
 Pati patong tumaya, 'di man marunong sumugal
 Mas nilakihan pa ang mga paghakbang tungo sa katuparan
 Sa daan kahit pa na maraming hadlang sa 'king kinamulatang lakaran ay
 Hindi pa din nawalan ng gana o nawalan ng pag-asa na sana madala ng tsamba
 Ang tsansa na magising sa panaginip na aking dala-bago
 Natutunang lumakad, tumayo sa aking sariling paa
 Kahit na natapilok, natisod, nadapa ay pinanghawakan
 Ang makatungtong ng tugatog ng walang tinatapakan na iba
 Lakad, lakad, lakad, lakad, lakad lang nang lakad
 Lakad, Lakad, lakad, lakad, lakad lang nang lakad
 Sige, lakad lang kahit ikaw na lang mag-isa
 'Wag mo sabayan ang alon, ikaw ang magdikta
 Salungatin, anumang dumating, basta 'wag hihinto sa lakad
 Kahit aking uliting ukitin muli mga guhit ko sa palad
 Sige, lakad lang (sige, lakad lang)
 (Lakad, lakad, lakad, lakad, lakad)
 Sige, lakad lang (lakad lang nang lakad, lakad lang nang lakad, sige lang, lakad)
 Hmm, pa-pa-pa-pa-pararap (sige lang, lakad)
 Pa-pa-pa-pa-pararap ('wag kang titigil)
 Hmm, pa-pa-pa-pa-pararap (sige lang, lakad)
 Pa-pa-pa-pa-pararap (ano man ang humadlang)
 Hanggang sa mapanood na 'ko sa aking naging tugon
 Ng mga dalangin ko noon na tinupad ng Panginoon
 Nakuha na makuntento ngunit hindi na kampante
 Kaya bilang pakunswelo, patuloy akong umabante
 'Pagkat simula pa lang ng tunay na laro
 Nakabwelo na 'ko kung kailangan mang mamuhay palayo
 Titiyaking may puntahan ang mga iiwan kong yapak
 Na susundan balang araw sa 'kin ng aking anak
 Mga pintuang pinasukan, bubong na sinilungan
 Mga taong tinulungan ako sa gitna ng ulan
 Ang pasasalamat ko'y ituring n'yong bahaghari
 Na mag dudugtong sa patutunguhan ko sa 'king pinagmulan
 At sa mga duda sa 'kin na pinatunayan
 Na walang bida sa pelikulang 'di hinamak sa umpisa
 Anumang layo ng mga pangarap ko sa buhay
 Ang daan papunta doon ay para sa 'kin
 Walking distance lang (lang, lang, lang)
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:38
Tempo
90 BPM

Share

More Songs by Smugglaz'

Albums by Smugglaz'

Similar Songs