Ang Bisita

3 views

Lyrics

Walang nakaaalam
 Kung ilang walang hanggan
 ang dapat tahakin upang matagpuan
 ang kalmang hatid ng pananatili
 Walang nakaaalam
 Kung kailan ang bisita'y
 mananatiling bisita lang
 At kung kailan mo ito magiging tahanan
 Mabigat ang mga gabi
 sa bisig ng bisita
 Ngunit mas nangibabaw
 ang pakiramdam ng walang hanggan
 Kaya't nanatili sa pag-iisip
 na ang bigat ay ginhawa
 Ang dilim ay kislap
 At ang pagbitiw ay parusa
 Mabigat ang mga gabing
 ang walang hangga'y nasa bisig ng bisita
 Ngunit mas nangibabaw ang pag-alala
 sa kaligayahang hangad niya
 Kaya't nanatili sa espasyong sapat lang
 Hindi rinig ang rubdob ng damdamin
 ngunit kayang hulihin ang kanyang mga ngiti
 ang hikbi, ang bigat na ikinukubli
 Nanatili sa pagitan ng espasyong sapat lang
 Dahil ang pagkakataon, ay hindi pa sa atin nakaayon
 Hanggang sa tuluyang napaso
 Sa kakarampot na atensyon mula sa bisita
 Bumitaw sa inakalang walang hanggan
 Ang buhay ay muling sinimulan
 Isinantabi muna ang pagsinta
 At hinayaan siyang maglayag mag-isa
 Ngunit nangako sa sariling maghihintay
 Hanggang sa ang pag-ibig ay tuluyang maialay
 At sa pagsang-ayon ng kalawakan sa pag-ibig,
 Ay ipinagkaloob nito sa atin ang pagkakataon
 At sa wakas,
 sa pagitan ng espasyong sapat lang,
 Ay hinayaang lumundag
 ang mga pusong nagmamahalan
 Ang bisita'y naging tahanan
 Hindi tayo katulad ng mga bulalakaw
 na rumaragasa sa pagbagsak
 Hindi tayo katulad ng eroplanong
 nagmamadali sa paglapag
 Hindi tayo ang humaharurot na sasakyan
 para makaabot sa pupuntahan, bagkus
 Nananitili tayong mga bituin
 Walang pagtinag ngunit patuloy sa pagningning
 Nanatili tayong mga ibon sa himpapawid
 Kalmadong minamasdan ang ibaba
 Nanatili tayo sa ating mga paa
 Habang minamasdan ang umaga nang magkasama
 Dahil ang pag-ibig ay pananatili
 Ang pananatili ay walang hanggan

Audio Features

Song Details

Duration
02:32
Key
2
Tempo
82 BPM

Share

More Songs by Mai Cantillano

Similar Songs