Siklo
3
views
Lyrics
Nagtatalo ang ugong ng eroplano, ang busina ng dumadaang traysikel; at ang nginig ng umiihip na electric fan —pero tahimik Kumakampay nang bahagya ang kurtina sa sala kung saan ako nakahiga Rinig ang tunog ng palabas sa kabilang kwarto; ang malulutong na pindot sa laptop; aati ang pagbabawal ng asong pumasok ang hindi kilala —pero tahimik Nakikipagsayaw ang mga ala-ala aa buwang kakalahati lang Hindi buo, pero maliwanag Kinakapos, pero pinipilit maging sapat Nagkakagulo sila sa pilit pinatutulog na isip Patuloy ang pagdamba sa isa't isa —pero tahimik Maraming naiwang bukas na pinto, May nagtsisismisan Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kanta Hindi ko alam kung sino ang nagpupukpok ng martilyo Ang ingay! —pero tahimik Ganito ako kung lunurin ng katahimikan Ganito ako kung dalawin ng lamig Simula bata, nasanay akong may katabi sa higaan Hanggang tumanda, hindi ako umaalis sa tabi ng mga kapatid ko kapag natutulog kaya't kapag nahihiga sa maluwag na kama ay sinisiksik ang sarili sa sulok o 'di kaya'y lumilipat sa mas masikip na higaan upang hindi maramdaman ang pag-iisa —ang kawalan —ang pagkawala —ang nawawala Walang nakatatakas sa ganitong uri ng lungkot 'Yung yayakapin ka na lang bigla Babalatan ka nang buhay Manunuot sa kalamnan At saka unti-unting babasagin ang iyong buto Hanggang sa maging abo Na isasaboy na parang sunog na bangkay At biglang magaan na lang ulit ang lahat Balik sa normal Ngunit bibisita siyang muli Yayakapin ka na lang bigla Babalatan ka nang buhay Manunuot sa kalamnan At saka unti-unting babasagin ang iyong buto Hanggang sa maging abo Na isasaboy na parang sunog na bangkay At biglang magaan na lang ulit ang lahat Balik sa normal Ngunit bibisita siyang muli Yayakapin ka na lang bigla Babalatan ka nang buhay Manunuot sa kalamnan At saka unti-unting babasagin ang iyong buto Hanggang sa maging abo Na isasaboy na parang sunog na bangkay At biglang magaan na lang ulit ang lahat Sana manatili na lang magaan ang lahat Ngunit hindi ganito ang pangako ng kalawakan Mananatili ka sa siklo ng pagtangis ang pagtahan Ng takot at kalayaan Ng pag-iisa at pag-alpas Kaya't sa muling pagbisita ng lamig, Ay isasama sa siklo ang panghahangad ng ginhawa At magpapatuloy sa pag-ikot Hanggang sa tuluyang makakakawala
Audio Features
Song Details
- Duration
- 03:34
- Key
- 2
- Tempo
- 137 BPM